Mahusay na serbisyo ng DSWD pinuri ni PBBM

January 31, 2023 @3:23 PM
Views: 0
MANILA, Philippines – Pinuri ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga tauhan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa excellent at genuine public service na ibinibigay ng mga ito.
Sa naging talumpati ng Pangulo sa 72nd founding anniversary ng DSWD, sa Quezon City, binigyang diin nito ang mahalagang papel ng DSWD sa pagbibigay ng tulong sa mga mamamayang Filipino lalo na iyong nabibilang sa vulnerable sectors.
“Today, we recognize and take pride in this institution’s stability and reliability. For over 70 years, the DSWD has remained unwavering in its mission to improve the lives of every Filipino, especially those who are in distress, those who are in danger, and those who we can see are in disadvantage,” ayon sa Pangulo.
“Your dedication has proven vital to the success of this noble institution and this noble work that you do for our people. And that is why I enjoin the entire Filipino people in expressing our gratitude for your continued excellence in rendering public service,” dagdag na wika nito.
Pinuri rin ni Pangulong Marcos ang mga tauhan ng DSWD para sa pagsisikap at sakripisyo ng mga ito na aniya’y dahil sa “faithfulness to service and a true genuine love for the Filipino people.”
Gayunman, deserve aniya ng DSWD ang “highest esteem and deepest appreciation.”
“Through your efforts and sacrifices we have made inroads in reducing poverty, in reducing hunger, and towards achieving upper middle income status by 2025,” aniya pa rin sabay sabing, “I know these because I have witnessed you working long hours, making many sacrifices, even risking life and limb to give our people the service that they need, especially the vulnerable and the disadvantaged.”
Sa kabilang dako, pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos ang DSWD para sa pagsisilbi nito bilang tagapagtaguyod ng milyon-milyong Filipino.
Ang hiling naman ng Pangulo sa DSWD ay ipagpatuloy ang pagpapalakas sa social protection initiatives ng gobyerno kabilang na ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program, ang unconditional cash transfer program at ang social pension program.
“As we look at the future, I enjoin the DSWD once again and all government agencies to ensure that your services reach those in need wherever they may be. People should not need to travel to urban areas to access government services. That is why we must ensure that everyone, everywhere, will have access to the help and services that they need,” ayon sa Pangulo.
Ang pagdiriwang ngayong taon ng DSWD para sa kanilang founding anniversary ay may temang “[email protected]: Kaagapay sa Pagbangon, Katuwang sa Bawat Hamon,” layon nitong kilalanin ang ahensya sa serbisyo publiko nito at ang pagtugon sa mandato ng naturang ahensya.
Sa nasabing event, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang inagurasyon ng multi-purpose building ng departamento sa DSWD Compound sa Batasan Hills sa Quezon City.
“In line with the DSWD’s commitment to ensure the occupational health and safety of its employees, the 693-square meter multi-purpose building was inaugurated to provide a venue for wellness and welfare programs of DSWD employees,” ayon sa ulat.
“Built and donated by the Department of Public Works and Highways, the facility will also be used as processing area for those who will avail of the Assistance to Individuals in Crisis Situation, pending the construction of the DSWD’s Crisis Intervention Unit Building, to provide safe and comfortable space for its clients,” ayon pa rin sa ulat.
Sinabi ng Pangulo na ang pagtatayo ng multi-purpose building ay magreresulta upang mas maging competent at dynamic ang DSWD.
“The inauguration of this structure underscores the department’s commitment to ensure the occupational health and safety as well as a general welfare of DSWD employees are put into the fore,” ayon sa Pangulo sabay sabing “With the latest developments that we welcome in your department, I am confident we can further boost the skills, provide you with multiple opportunities to promote your professional growth and strengthen your roles as public servants.” Kris Jose
Jack Animam lalaro sa France

January 31, 2023 @3:17 PM
Views: 9
MANILA, Philippines – Lumipat si Jack Animam sa France matapos pumirma sa Toulouse Metropole Basketball Club sa Ligue Feminine de Basketball.
“Welcome Jack Danielle! We’re happy to announce the arrival of a talented new player at TMB. Si Jack Danielle plays four and five position and comes to us from the Philippines,” ayon sa TMB sa pagpasok nito sa team nitong Martes (oras sa Manila).
Naunang naglaro ang Gilas Women’s mainstay para sa Shih Hsin University sa Taiwan, Serbian club na Radnički Kragujevac noong 2021, at ilang summer league sa US.
Sumailalim si Animam sa operasyon sa tuhod noong Enero 2022, at buwan pagkatapos ng pinsala ay naputol ang kanyang tungkulin sa Serbia. JC
PBBM sa Kongreso: Housing interest subsidy ipasok sa national budget

January 31, 2023 @3:10 PM
Views: 13
MANILA, Philippines – Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Martes, Enero 31 sa Kongreso na isama ang pondo para sa interest subsidy support sa mga housing projects sa national budget sa mga susunod na taon.
Kasabay ito ng pagdalo ni Marcos sa groundbreaking ceremony ng Batasan Development Urban Renewal Plan sa Quezon City sa ilalim ng programa ng administrasyon na Pambansang Pabahay Para sa Pilipino Program.
“I now call on Congress for your support, including housing interest support as part of the regular appropriations for the succeeding years,” sinabi ng Pangulo.
“Bukod pa roon, pinag-aaralan namin ni Secretary Acuzar ang pagtatayo ng subsidy fund para dito sa ating housing program,” dagdag pa niya.
Kabilang sa mga dumalo sa naturang event ay sina Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar, Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Quezon City Mayor Joy Belmonte.
Sa isang ambush interview, sinabi ni Acuzar na posibleng mapababa ang monthly amortization ng pabahay sa tulong ng interest subsidy.
Halimbawa, sa halip na P8,000 monthly amortization kada pamilya, nasa P3,500 hanggang P4,000 na lamang ang babayaran kapag may interest subsidy.
“Ang usapan ho namin, hahanapan niya ng paraan na malagyan ng interest subsidy ang pabahay sa program. Kasi interest subsidy napakaimportante, ‘yun ang magpapababa ng monthly amortization ng pabahay,” sinabi ni Acuzar.
“Walang libre, may babayaran pa rin pero mura na lang,” dagdag nito.
Ang unang phase ng redevelopment ng Batasan area ay kabilang na ang pagtatayo ng 33-storey buildings na may kabuuang 2,160 housing units ayon sa DHSUD.
“I welcome then and encourage the DHSUD to continue their efforts in forging and strengthening partnerships with other government agencies and the private sector to secure requirements for housing production and funding,” pahayag naman ni Marcos.
“Be it the officials, personnel, developers, construction groups, and private banks — your honest work and prompt compliance with documentary and legal requirements are needed to commence the funding and construction of housing units as originally planned,” pagpapatuloy nito.
Matatandaang target ng administrasyong Marcos na makapagtayo ng anim na milyong housing units sa loob ng anim na taong termino nito. RNT/JGC
Bachmann naglatag ng kanyang plano sa PSC

January 31, 2023 @3:09 PM
Views: 12
MANILA, Philippines – Inilatag ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman Richard Bachmann ang four-point plan para sa mga nakatutok na aksyon ng ahensya sa mga darating na buwan.
“Nandito ako para pagsilbihan ang mga atleta at magsilbi sa sports, wala nang iba pa” giit ni Bachmann sa kanyang pambungad na mensahe.
4-POINT PLAN
Ang kanyang mga agarang plano ay binubuo ng apat na focus-interes: magkaroon ng isang mas mahusay na sistema para sa napapanahong pagpapalabas ng mga allowance ng mga atleta, pagpapabuti ng mga pasilidad, pagkakaloob ng mga pagkain para sa mga atleta, at pangangalaga sa back-of-house ng PSC.
“For me, to serve the athletes well, kailangan ko silang makilala. Kaya sinabi ko sa sarili ko na kailangan kong maglibot at makipagkita sa mga atletang ito. I don’t want to be that chairman who’s stuck in the office. Gusto kong puntahan sila. ‘Yan ang ginagawa ko nitong mga nakaraang linggo,” ani ng sports agency chief.
Si Bachmann ay gumagawa ng mga round, bumisita at nakikipag-usap sa mga atleta, coach at opisyal ng iba’t ibang pambansang asosasyon sa palakasan. Mula sa kanyang appointment at pag-ako sa tungkulin noong Disyembre, binisita ng PSC Chief ang mga training venue ng gymnastics, water polo, squash, soft tennis, table tennis, swimming, para-athletics, boxing, muay, wushu, athletics at weightlifting.
Ininspeksyon din ng PSC chief ang mga pasilidad na pinamamahalaan ng PSC at binibigyang pansin ang mga kagamitang pang-sports na regular na ginagamit ng mga miyembro ng pambansang koponan.
Bukod sa mga atleta, nagkomento din si Bachmann na ang pag-aalaga sa tauhan ng PSC ay pare-parehong mahalaga “dahil hindi ako makakapaglingkod nang wala ang kanilang tulong.”
Sa pagtulong kay Bachmann, binisita din nina Commissioners Olivia “Bong” Coo, Walter Torres at Edward Hayco ang ilang pambansang koponan tulad ng Pilipinas Obstacle Sports Federation, Karate Pilipinas Sports Federation Inc., Philippine Wheelchair Basketball Federation at Philippine Paralympic Committee.
Tiniyak din niya na ang PSC board ay patuloy na magbibigay ng suporta at pagpapahusay sa mga kondisyon ng pagsasanay ng lahat ng pambansang koponan sa mga darating na buwan na may suporta mula sa mga kasosyo tulad ng PAGCOR, PCSO, Pocari Sweat Otsuka Solar Philippines at Pioneer Insurance.
CAMBODIA SEAG
Nang tanungin na hulaan kung ano ang magiging takbo ng delegasyon ng Pilipinas sa Southeast Asian Games sa Cambodia, nagkomento ang PSC chief na ang pokus ng sports agency ay ang matiyak na ang kanilang (national athletes) ay lahat ay naaasikaso upang matulungan silang gumanap nang maayos.
Ibinahagi ni Bachmann na ang ilang mga atleta na hindi bahagi ng national training pool roster ay papayagang dumalo sa mga internasyonal na laro upang magkaroon ng karanasan.
Tiniyak din niya na magagamit ang budget na inilalaan ng gobyerno at aktibo siyang gumawa ng mga hakbang upang matiyak ang tama at makatarungang paggamit nito.
Ibinahagi ni Bachmann, na nagtrabaho sa buong buhay niya sa mga atleta dahil dati rin siyang atleta, na ang paggawa ng mabuti sa trabaho ang mahalaga kung ang isa ay nasa pribado o serbisyo sa gobyerno.
“It is not about me, not only me. Para magtagumpay tayo, kailangan ko ang suporta ng lahat. As long as we all work together, for the athlete, for sports, wala tayong problema,” pagtatapos ni Bachmann.RICO NAVARRO
Mga istasyon ng LRT-1 lalagyan ng smart locker systems

January 31, 2023 @2:57 PM
Views: 13