Digital version ng nat’l ID tatanggapin sa aplikasyon ng passport – DFA

Digital version ng nat’l ID tatanggapin sa aplikasyon ng passport – DFA

October 22, 2022 @ 3:51 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tatanggapin na ng Department of Foreign Affairs ang printed digital version ng Philippine Identification System (PhilSys) ID o ePhilID sa aplikasyon ng pasaporte.

Sa isang advisory, sinabi ng DFA-Office of Consular Affairs (DFA-OCA) na tinatanggap na ang naturang ID bilang accredited government-issued valid ID.

Sinimulan na itong tanggapin nitong Biyernes, Oktubre 21.

“To facilitate its use as a valid ID accepted for passport application, the public is advised that the details in the printed ePhilID must be clear, readable, and contain the same details as the presented documentary requirements during the passport application,” pahayag ng DFA-OCA.

Matatandaang inanunsyo rin ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang ePhilID ay mayroon ding katulad na benepisyo ng PhilSys ID o physical ID nito na maaaring magamit habang ito pa ito naihahatid.

Ayon naman kay PSA chief Dennis Mapa, ang ePhilID ay magkakaroon ng mga katangian na tulad ng aktwal na national ID tulad front face photo, demographic information, PhilSys number, at unique QR code.

“The printed ePhilID shall be honored and accepted as the official government-issued identification document of a person for his or her transaction in all national government agencies, local government units, government-owned and controlled corporations, government financial institutions, financial institutions, and private sector,” ani Mapa.

“The BSP also issued a memorandum to all its supervised financial institutions for the use and acceptance of the printed ePhilID and other formats of the digital ID,” dagdag pa niya. RNT/JGC