Digitalisasyon sa proseso, transaksyon sa gobyerno epektibo vs smuggling – PBBM

Digitalisasyon sa proseso, transaksyon sa gobyerno epektibo vs smuggling – PBBM

January 27, 2023 @ 4:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Itinutulak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang digitalisasyon sa government transactions, partikular na sa Bureau of Customs (BOC), para masugpo ang malaganap na smuggling.

Sinabi ng Pangulo na mas maraming modernisadong data at transaksyon ang maaaring makatulong sa economic development ng bansa.

Sa isang panayam, tinuran ng Pangulo na sosolusyunan ng bansa ang mga usapin na may kinalaman sa malaganap at nagpapatuloy na smuggling kung saan lahat ng uri ng kalakal na ipinapasok sa bansa say idinadaan sa illegal na pamamaraan.

“It might be helpful to look into successful approaches being employed by several countries, and apply them to the Philippines,” ayon sa Pangulo.

Nauna rito, sinabi ng Pangulo na ang digitalisasyon sa BOC ay mahalagang bahagi nito.

Nanawagan din ang Pangulo ng matinding bureaucratic reforms para labanan ang smuggling, na aniya’y banta sa lokal na industriya at nakaaapekto sa tax collection ng gobyerno.

Isa sa mga rekomendasyon na nabanggit ay buksan ang BOC at Department of Agriculture (DA) upang matiyak ang epektibong pagpapalitan ng impormasyon.

Ang DA at BOC ay mayroong data-sharing agreement (DSA) na naglalayong pabilisin ang palitan ng impormasyon sa traded agricultural products.

“The DSA, which is governed by the Philippines’ Data Privacy Act, is one of the pacts forged between the DA and BOC to ensure that local agri-fishery products remain competitive,” ayon sa ulat.

“Through the program, each agency can promptly share and act upon critical and intelligence information,” ayon pa rin sa ulat.

Tinuran ng Chief Executive na kinikilala ng gobyerno ang kahalagahan ng digitalisasyon bilang “key driver” para sa long-term development at para sa economic transformation ng post-pandemic global economy.

“Although structural changes in the bureaucracy is quite painful, they have to be carried out, and digitalization is going to play a large part in that process,” ayon sa Pangulo sa kamakailan lamang na dayalogo sa World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland.

Naglagay din ang Pangulo ng ‘premium’ sa papel ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa digitalization efforts ng administrasyon.

Tiniyak naman ng Pangulo na ang administrasyon ay nakaayon sa layunin nito na mapalakas ang MSME na makibahagi sa digital economy. Kris Jose