Digong bumisita sa Cardinal Santos Medical Center; negatibo sa COVID

Digong bumisita sa Cardinal Santos Medical Center; negatibo sa COVID

February 3, 2022 @ 12:52 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Kinumpirma ng Malakanyang na bumisita si Pangulong   Rodrigo Roa Duterte sa Cardinal Santos Medical Center sa  San Juan para lamang sa kanyang  routine medical check-up.

Hindi naman malinaw kung may kinalaman ang pagbisita ng Pangulo sa nasabing ospital matapos na ma- exposed siya  kamakailan lamang  sa kanyang  household staff na nagpositibo  sa COVID-19.

Kaagad namang ginawan ng COVID-19 test ang Pangulo.

Sa kabila ng nag-negatibo ang resulta ng COVID-19 test ng Pangulo ay kasalukuyan pa rin siyang naka- mandatory quarantine.

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na ang huling araw ng  exposure ng Pangulo sa COVID positive case ay noong nakaraang Linggo, Enero 30, 2022.

“His RTPCR Negative test result was last Monday, January 31, 2022, and tested negative again for the second time on Tuesday, February 1, 2022,” ayon kay Nograles.

Ang Chief Executive ay patuloy na nagtatrabaho habang nakaquarantineat patuloy ang komunikasyon sa mga miyembro ng gabinete upang tiyakin na ang mga “urgent matters” ay natutugunan.

Bukod pa sa, para ma-monitor ang implementasyon ng kanyang mga direktiba partikular na hinggil sa COVID-19 response ng gobyerno. Kris Jose