Digong dadalo sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago sa Davao City

Digong dadalo sa miting de avance ng Hugpong ng Pagbabago sa Davao City

May 6, 2022 @ 2:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Dadalo si Pangulong Rodrigo Roa Duterte mamaya sa Miting de Avance ng Hugpong ng Pagbabago na gaganapin mamayang gabi sa lungsod ng Davao.

Tila magiging reunion ito ng pamilya Duterte dahil makakasama ng Pangulo ang kanyang anak na si Davao city Vice Mayor Sebastian ” Baste ” Duterte na tumatakbo naman bilang Mayor ng lungsod.

Si Baste ang tumatayong Local Chairperson ng Hugpong ng Pagbabago.

Sa kabilang dako, bagama’t wala pang inilalabas na schedule, maaaring sa Davao na manatili ang Pangulo simula bukas hanggang Lunes para sa gagawin nitong pagboto sa eleksyon.

Matatandaang, sa Daniel R. Aguinal National High School sa Matina Crossing, Davao City bumoto ang Pangulo nuong May 13 , 2019. Kris Jose