Digong kinumusta si Erap

Digong kinumusta si Erap

April 7, 2021 @ 5:34 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Kinamusta ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kalagayan ni dating Pangulong Joseph Estrada na nagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni Senador Bong Go na nakausap ni Pangulong Duterte si dating Senator Jinggoy Estrada para alamin ang sitwasyon ng amang nasa Intensive Care Unit.

Kaugnay nito ay nanawagan ang Pangulo na patuloy na ipagdasal ang paggaling ni dating Pangulong Erap.

Sinabi ni Go na mababakunahan na din ang ibang mga miyembro ng Gabinete ng pangulo lalo na yung mga considered sa priority list tulad nung nga senior citizen.

Gayunman, sinabi ni Go na dapat nang matapos muna ang mga healthcare workers at sundin ang priority list ng pamahalaan para mas mabilis mabakunahan ang iba pang mga mamamayan

Samantala, tiniyak ni Go na nasa maayos na kalusugan si Pangulong Duterte sa kabila ng pagpositibo sa COVID-19 ng ilang miyembro ng Presidential Security Group at ilang Cabinet Secretary.

Sinabi ni Go na regular naman ang swab test sa pangulo para masiguro na makaiwas ito sa COVID-19.

Sa ngayon aniya ay nananatili ang pangulo sa kanyang official residence sa Malakanyang habang postpone muna ang “talk to the people” nito dahil sa pag-iingat.

Tumanggi naman si Go na tukuyin kung ilan ang nagpositibong tauhan ng PSG para na din sa kapakanan ng pangulo.

Nilinaw naman ni Go na gusto ng pangulo na lumabas para makapag-ikot sa ilang  bahagi ng bansa pero hindi ito pinapayagan ng pagkakataon lalo pa at naisailalim uli sa Enhance Community Quarantine ang National Capital Region at apat na karatig-lalawigan. Kris Jose


  •  
  •  
  •