Digong, most popular president matapos ang post-EDSA 1

Digong, most popular president matapos ang post-EDSA 1

June 28, 2022 @ 10:57 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Si Outgoing President Rodrigo Roa Duterte ang itinuturing na “most popular president” matapos ang post-EDSA 1 era.

Sa PUBLiCUS’ PAHAYAG Second Quarter survey na isinagawa mula Hunyo 16 hanggang 22, makikita sa resulta na 75% ang approval rating na nakuha ni Pangulong Duterte para sa performance nito sa nakalipas na halos 6 na taong termino nito.

May 1,500 ang respondents sa naturang survey.

Ayon kay Atty. Aureli Sinsuat, executive director ng Publicus Asia, dahil sa resulta ng naturang survey, si Pangulong Duterte ay naging pinaka-popular na outgoing President mula post-EDSA 1 era.

“Our numbers indicate that President Rodrigo Duterte will leave office as the most popular president of the post-EDSA I era. No other president who served under the 1987 Constitution has ended his or her term with majority approval and trust ratings, much less a supermajority of public support,” ayon kay PUBLiCUS Executive Director Aureli Sinsuat sa isang kalatas.

Samantala, 75% rin sa survey ang nagsasabi na may malaking impact sa bansa ang Duterte administration kumpara sa nakalipas na mga administrasyon pagkatapos ng EDSA I.

Sa 2nd quarter survey ng Publicus, pumapangalawa sa pinakamataas na impact rating si Pangulong Noynoy Aquino na may 27%, pangatlo si President Fidel V. Ramos na may 24%, President Gloria Macapagal Arroyo na may 22%, 20% naman si President Cory Aquino habang 14% naman ang nakuha ni President Erap Estrada.

“Based on our numbers, we can expect President Duterte to retain an unprecedented amount of political capital for a former president when he leaves Malacañang on June 30. When private citizen Duterte speaks up on the issues, many will listen. When he endorses a candidate, many will vote for them,” dagdag na pahayag ni Sinsuat.

Welcome naman sa Malakanyang ang resulta ng nabanggit na survey.

Pinasalamatan ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar ang publiko sa pagsuporta sa administraysong Duterte.

“We express our deep gratitude to the Filipino people for standing behind the President who has broken barriers and has overcome challenges in his six years of service to the nation,” ayon kay Andanar sa isang kalatas.

Muli namang nanawagan si Andanar sa mga filipino na manatiling magkaisa at ipagpatuloy ang pagsisikap “for the greater good of the country.”

“As we are about to enter another chapter in our political history, let us continue to be united in purpose to make the Philippines a peaceful, proud and progressive country that we all want our nation to be,” dagdag na pahayag nito. Kris Jose