PBBM, dumalo sa libing ni FVR

August 9, 2022 @1:00 PM
Views:
13
MANILA, Philippines- Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa state funeral ng namayapa at dating Pangulong Fidel V. Ramos sa Libingan ng mga Bayani.
Makikita si Marcos na katabi ni dating First Lady Amelita” Ming” Ramos sa libingan.
Si Pangulong Marcos ay distant relative ni Ramos.
Si Ramos ay ika-12 Pangulo ng Pilipinas na binigyan ng state funeral na may full military honors.
Sa ulat, pumanaw si FVR sa edad na 94.
Base sa ulat, sumakabilang-buhay si Ramos nhabang naka-confine sa Makati Medical Center dahil umano sa kumplikasyon dulot ng COVID-19. Kris Jose
Grade 10 stude tigok sa 6 kawatan

August 9, 2022 @12:35 PM
Views:
18
CEBU CITY- PATAY ang isang grade 10 student na binatilyo matapos pagnakawan at pagsasaksakin ng anim na kalalakihan kabilang ang 3 menor de edad noong Sabado sa lungsod na ito.
Kinilala ang biktimang si Jerome Estan, 16-anyos, grade 10 student sa Cebu City Central School, at residente sa Dimas-alang St., Pahina Central Cebu City.
Sa hot pursuit operation ng Pardo Police Station 7, nadakip ang tatlong suspek na kinilalang si Jether Velez, 22, habang ang 2 suspek ay 16-anyos habang tugis naman an 3 iba pa na pawang taga Ciwac Bulacao.
Batay sa report ng pulisya, dakong 11:00 PM naganap ang krimen sa Sitio Villa Mangga, South Road, Bulacao, Cebu City.
Lumabas sa imbestigasyon ng pulisya, galing ang biktima sa birthday party ng kanyang ama ng nagkayayaan silang magkakaibigan na magtungo sa Disco Fiesta sa Sitio Riverside Bulacao.
Pagdating sa lugar, bigla na lamang napagtripan ng mga suspek ang biktima at pilit na kinukuha ang cellphone nito subalit tumanggi si Estan.
Dahil dito, pinagsasaksak ng mga suspek ang biktima sa iba’t ibang parte ng katawan ng naging sanhi ng agaran nitong kamatayan.
Matapos ang krimen mabilis na tumakas ang mga suspek pero kalaunan ay nadakip rin ng mga pulis ang tatlo sa mga ito.
Nakakulong ngayon sa lock-up cell ng Pardo Police Station si Velez at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso habang dinala naman sa City Social Welfare and Development ang 2 menor de edad para sa karampatang disposisyon./Mary Anne Sapico
Top 10 most most wanted ng NPD, nalambat sa Navotas

August 9, 2022 @12:13 PM
Views:
28
MANILA, Philippines – Nabitag ng pulisya ang isang 52-anyos na binata na listed bilang top 10 most wanted ng Northern Police District (NPD) sa isinagawang manhunt operation sa Navotas City, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek bilang si Ferdinand Biason, driver ng 388 Gulayan, Gov. Pascual St., Brgy. San Jose, ng lungsod.
Ayon kay Ollaging, nakatanggap ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) na naispatan ang presensya ng akusado sa kanilang lugar na wanted sa kasong ilegal na droga kaya nagsagawa sila ng validation.
Nang positibo ang ulat, ikinasa ng WSS sa pangunguna ni PMAJ Felix Vanancio Rivera kasama ang mga tauhan ng Sub-Station 3 sa pangunguna ni PLT Juanito Arabejo Jr, ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-1:30 ng hapon sa kanyang bahay.
Si Biason ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge REMIGIO M. ESCALADA JR, ng Regional Trial Court (RTC) Branch 123, Caloocan City para sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002-Possession of Dangerous Drugs (Section 11, ART. II of RA 9165). Boysan Buenaventura
DILG sa LGUs: Nat’l ID campaign paigtingin pa

August 9, 2022 @12:00 PM
Views:
31
MANILA, Philippines – Ipinag-utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes sa local government units na paigtingin pa ang paghikayat sa kanilang mga nasasakupan na magparehistro para sa national ID.
“We again call on LGUs, especially the barangays, to extend their full support to the President and the Philippine Statistics Authority (PSA) in the National ID campaign,” ani DILG Secretary Benhur Abalos.
“Enjoin your constituents to get a National ID for easier validation and authentication of identity in their transactions with government offices, banks, and other private entities.”
Pinayuhan ni Abalos ang mga barangay captain na magpakalat ng mga printed at electronic materials, gumawa ng roving announcement, at magbahagi ng updates mula sa opisyal na Philippine Identification System (PhilSys) social media pages.
Ayon sa DILG, 75.3% o 69.254 milyon lamang sa 92 milyong target na nagparehistro ang nag-sign up para sa PhilSys, batay sa datos mula sa PSA noong Hulyo 1.
Ginawa ng DILG ang panawagan alinsunod sa pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo na pabilisin ang paghahatid ng halos 50 milyong ID sa pagtatapos ng 2022.
Noong Hulyo, sinabi ng Philippine Postal Corporation (PHLPost) na nag-oorganisa ito ng mga “plaza-type” na pamamahagi ng mga pambansang ID na nabigong matanggap ng mga may-ari sa panahon ng paghahatid.
Sinabi ng PHLPost postmaster general at CEO Norman Fulgencio na nakikipag-ugnayan sila sa mga concerned barangay captains para magtakda ng mga aktibidad tuwing weekend para sa pamamahagi ng mga hindi na-claim na national ID.
Ayon sa kanya, 14,033,000 pa lang ang nai-deliver sa mga may-ari noong July 8. May 700,000 national IDs sa PHLPost ang hindi pa nai-deliver, dagdag niya. RNT
August 9, 2022 @11:47 AM
Views:
23