Digong nakakuha ng ‘excellent’ satisfaction rating bago bumaba sa pwesto

Digong nakakuha ng ‘excellent’ satisfaction rating bago bumaba sa pwesto

September 24, 2022 @ 11:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines-  Batay sa isinagawang Social Weather Stations (SWS) surveysa mga huling araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa opisina, 88% ng mga Pilipino ang kontento sa kanyang pamumuno.

Tanging 5% ng respondents ang “dissatisfied” habang 7% ang “undecided” sa isinagawang poll sa 1,500 participants mula Hunyo Jue 26 hanggang 29, 2022.

Batay sa resulta na ipinalabas nitong Biyernes, nakakuha ng +81 net satisfaction rating si Duterte — na natukoy ng SWS na “excellent.”

Mas mataas ito ng 16 puntos mula sa +65 o “very good” net satisfaction rating ng dating presidente sa SWS April 2022 survey.

Mas mataas din ito kumpara sa record-high +79 rating noong Nobyembre 2020, base sa SWS.

Isinagawa ang face-to-face interviews sa tig-300 respondents sa Metro Manila, Visayas at Mindanao, at 600 sa Balance Luzon.

Ang sampling error margins ay ±2.5% para sa national percentages, ±5.7% para sa Metro Manila, Visayas at Mindanao, at ±4.0% para sa Balance Luzon. RNT/SA