Digong naki-party sa ex-Cabinet members

Digong naki-party sa ex-Cabinet members

November 10, 2022 @ 11:40 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Dumalo si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pagtitipon kasama ang ilang incumbent officials at ex-members ng kanyang gabinete nitong Miyerkules ng gabi.

Makikita sa mga larawan na may hawak na mikropono si Duterte at kumakanta habang napaliligiran ng kanyang dating opisyal at ilang mga senador.

Naka-post ang larawan sa Twitter na ipinadala ni Senator Francis Tolentino.

Bukod kay Tolentino, nasa larawan din sina Senators Bong Go at Imee Marcos.  

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon sina dating Tourism Secretary at incumbent Bangko Sentral ng Pilipinas Deputy Governor Bernadette Romulo-Puyat, dating Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, ex-Presidential Adviser for Telecommunications Secretary Ramon Jacinto, dating Defense Secretary Delfin Lorenzana at dating Labor Secretary at kasalukuyang Resident Representative-designate ng Manila Economic and Cultural Office Silvestre Bello III.

Naganap ang event sa isang hotel sa Makati at tinaguriang “Night of the Singing ex-Cabinet Members.” RNT/SA