Digong nanindigan na ‘di mag-eendorso ng prexy bet

Digong nanindigan na ‘di mag-eendorso ng prexy bet

May 7, 2022 @ 9:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Patuloy na pinaninindigan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na hindi siya kailanman mage-endorso ng kahit na sinumang presidential candidate sa local at national elections, sa darating na Lunes.

Ito ang inihayag ng Pangulo sa isinagawang Hugpong ng Pagbabago (HNP) miting de avance, Biyernes ng gabi sa San Pedro Square malapit sa Sangguniang Panlungsod ng Dabaw.

Si vice-presidential bet at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, ang running mate ni presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Nakita ang presensiya ng Pangulo sa nasabing event dahil na rin sa imbitasyon sa kanya ng kanyang anak na si Davao City mayoral candidate Sebastian “Baste” Duterte.

Bago pa ang pagdating ng Pangulo sa San Pedro Square, personal na hinarap ni Mayor Sara ang mga tao at humingi ng suporta para kay Marcos Jr.

Wala naman sa stage si Sara nang dumating ang kanyang ama.

HIndi naman nakadalo sa nasabing event si re-electionist at Davao City 1st District Rep. Paolo Duterte.

Samantala, muli na namang nagpakawala si Pangulong Duterte ng napakahabang tirada laban kay re-electionist Sen. Richard Gordon.

Inungkat ng Pangulo at sinabing si Gordon, pinuno ng imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa Pharmally scandal, ay dawit sa ilang iregularidad. Kris Jose