Digong: Pagkatapos manumpa ni Sara, presidente, bise presidente parehong Duterte

Digong: Pagkatapos manumpa ni Sara, presidente, bise presidente parehong Duterte

June 18, 2022 @ 12:15 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Nagbiro si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Biyernes na pamumunuan nila ng kanyang anak na si Vice President-elect Sara Duterte ang bansa sa loob ng 11 na araw.

“Maybe, it would be the first time, I don’t know, but I have yet to look into the archives of our country. But si Inday, my vice-mayor, would swear sa loyalty nya sa Constitution and to the country ngayong June 19. Si Bongbong Marcos would take his oath in the office on June 30 pa,” pahayag ni Duterte.

“So at that time, at that point in time sa history, ang Presidente ako pa. June 30 pa ‘yung isa eh. Pero may Vice President na nag-oath of office na. So in… how many days it would be? Eleven, oo tama 11 days, ang Presidente ninyo Duterte, ang Vice President ninyo Duterte. Kaya sabihin ko kay Inday, ituloy na lang natin ito,” hirit pa ng Pangulo.

“Hindi biro lang,” ani Duterte. “But it’s really a queer situation.”

Matatapos ang termino nina Duterte at Vice President Leni Robredo sa Hunyo 30. Sa parehong petsa rin magsisimula sa panunugkulan ang incoming elected executives. RNT/SA