Digong: Paglaktaw ni BBM sa presidential debates, tama lang

Digong: Paglaktaw ni BBM sa presidential debates, tama lang

June 28, 2022 @ 7:00 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na tama lang ang ginawang desisyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na mag-skip o laktawan ang presidential debates sa panahon ng campaign period.

Iyon ay dahil na rin sa limited time para idepensa ang kanilang sagot.

“During the campaign, we had a limited time to talk, and the next time that you are a candidate, you are invited to do that… Tama si Marcos, decline,” ayon kay Pangulong Duterte sa isang talumpati sa isinagawang oath-taking ng mga local officials sa kanyang hometown sa Davao City.

Tanging ang mga nagmamay-ari aniya ng TV stations ang nakinabang sa mga debate dahil sila naman ang kumikita ng pera para sa “airing ng debate.”

“We were only given half a minute or one minute and that’s it. You cannot even talk further… It was for show. It earns money for them at your expense sometimes,” dagdag na pahayag nito.

Sa buong campaign period, mas pinili ni Marcos na hindi dumalo sa kahit na anumang presidential debates na inorganisa ng Commission on Elections (Comelec) at mga major TV stations dahil sa kanyang busy schedule.

Gayunman, dumalo naman si Marcos sa presidential debate na inorganisa ni Pastor Apollo Quiboloy ng Sonshine Media Network International (SMNI). Kris Jose