Digong: PDP-Laban suportado si PBBM, pero ‘di rin magbubulag-bulagan

Digong: PDP-Laban suportado si PBBM, pero ‘di rin magbubulag-bulagan

September 30, 2022 @ 8:04 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagbigay-linaw si dating Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang balak na magtapat ng  malakas na partido laban kay Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“Let me make this thing very, very clear: We are not putting up a strong party against the party of the President,” ani Duterte sa padalo nito sa National Assembly ng PDP-Laban noong Huwebes.

“We are not going to quarrel with him. Far from it. We will be giving our full support to him politically. He was elected by 31 million, I was also elected by a good number of majority. I feel that it is our duty to serve the country,” direktang inihayag ng dating Pangulo na siyang PDP-Laban chairperson.

Pagkatapos ay binati ni Duterte si Marcos ng magandang kapalaran.

“Sana mamahala siya sa bansang ito alinsunod sa interes ng mga tao,” ani Digong.

Gayunpaman, sinabi naman ni Duterte na hindi magbubulag-bulagan ang PDP-Laban sa mga maling hakbang ng administrasyong Marcos.

“In the coming days, we will fiscalize. Pag may nakita tayong masama, we will raise our voice, because that is the essence of our presence here,” ani Digong. RNT