Digong record-high sa trust rating na Pangulong magtatapos sa termino

Digong record-high sa trust rating na Pangulong magtatapos sa termino

April 12, 2022 @ 1:35 PM 3 months ago


MANILA, Philippines – Naka-iskor ng mataas si Pagulong Rodrigo Roa Duterte para sa kanyang ‘approval at trust ratings’ kahit pa dalawang buwan na lamang ang nalalabi bago pa magtapos ang kanyang termino.

Ito kasi ang lumabas na resulta sa Pahayag 2022 first quarter survey na isinagawa ng PUBLiCUS Asia Inc.

Ang March 30 hanggang April 6 survey, ipinalabas araw ng Lunes, ay nagpapakita na 67.2% ng 1,500 respondents ay nagsasabi na sila’y “approve” o ‘”strongly approve” sa naging performance ni Pangulong Duterte bilang Panjgulo sa nakalipas na 12 buwan.

Ang pigurang ito ay 2.3 percentage points na mas mataas sa 65 percent approval rating ng Pangulo sa unang quarter ng 2021.

Ang trustworthiness ng Pangulo ay pumalo naman sa “high” o “very high” base sa 61.2% ng mga respondents, mataas ng 6.2 percentage points mula sa kanyang 55 percent trust rating sa kahalintulad na panahon ng nakaraang taon.

Ang kanya namang disapproval rating para sa first quarter ng 2022 ay 15.2% at ang low trust rating ay 16.6%.

Sinabi ni PUBLiCUS Executive Director Aureli Sinsuat na si Pangulong Duterte ang unang Pangulo ng bansa sa kasaysayan ng Pilipinas na magtatapos ang termino na mayroong “approval and trust ratings” na above 50%, isang pambihiran aniya sa Philippine presidential politics. RNT