Digong sa mga Pinoy: Mga natutunan sa nakaraan, isapuso

Digong sa mga Pinoy: Mga natutunan sa nakaraan, isapuso

June 9, 2022 @ 7:57 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Hinikayat ni outgoing President Rodrigo Roa Duterte ang mga mamamayang Filipino na ‘isapuso ang lahat ng mga natutunan mula sa nakaraan’

Nagbigay kasi ng talumpati ang Pangulo ukol sa pagdiriwang ng ika-124 Philippine Independence Day.

Inihayag ng Chief Executive ang kanyang talumpati sa virtual celebration ng Independence Day at 21st Filipino-Chinese Friendship Day na inorganisa ng Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry, Inc. (FFCCCII).

Sa kanyang talumpati, pinaalalahanan ni Pangulong Duterte ang mga mamamayang filipino hinggil sa kahalagahan ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan tuwing Hunyo 12 bilang testamento kung paano ipinaglaban ng mga ninuno ang kalayaan na tinatamasa ngayon ng mga Filipino.

“May it inspire us to take after the courage of our heroes as well as encourage us to use our ability, skills and knowledge for the benefit of our community,” ayon kay Pangulong Duterte.

Hinikayat din nito ang publiko na ‘isapuso ang lahat ng mga natutnan mula sa nakaraan” lalo na ang hindi mabilang na paghihirap at pagtitiis ng mga filipino bilang isang bansa.

“Let our rich histories move to translate our love for this country into real acts of goodwill for all our fellow men. Let us also work together so that we could realize our vision of a more harmonious and progressive Philippines. May we have a meaningful commemoration,” dagdag na pahayag ng Punong Ehekutibo.

Matatandaang, ipinroklama ng kauna-unahang Pangulo ng bansa na si Emilio Aguinaldo ang Kasarinlan ng Pilipinas mula sa Spanish colonial rule sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898.

Mula Hulyo 4, 1946, ipinagdiwang na ng Pilipinas ang Independence Day tuwing Hulyo 4. Gayunman, ang pagdiriwang ay iniurong ng Hunyo 12 sa bisa ng Proclamation 4166, ipinalabas ni Pangulong Diosdado Macapagal.

Samantala, nagpahayag naman ng pag-asa si Incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na magpapatuloy ang centuries-old relationship at pagkakaibigan sa pagitan ng Pilipinas at China at patuloy na magiging kapaki-pakinabang sa kani-kanilang mga mamamayan.

“From trade, arts, culture, athletics to regional peace and stability to the employment of opportunities for our people, and all the significantly generous efforts extended to us during the pandemic, the cooperative partnership of our nations continues to reach new heights,” anito.

“Looking forward” naman si Marcos Jr., sa mas marami pang taon hindi lamang para sa diplomatic relations kundi sa pagpapatuloy ng mabungang kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at china.

Itinatag ng Pilipinas at CHina ang kanilang diplomatic relations noong Hunyo 9, 1975.

Ang Hunyo 9 ng bawat taon ay deklarado bilang Filipino-Chinese Friendship Day, sa bisa ng Proclamation 148 na pinalabas ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo noong 2002.

Maliban kina Duterte at Marcos, dumalo rin sina Vice-President-elect Sara Duterte, Macapagal-Arroyo, mga mambabatas at iba pang bisita.

Sa kabilang dako, ang FFCCCII ay ‘umbrella organization’ ng Filipino Chinese entrepreneurs, “which brings together over 170 business and trade associations from all over the Philippines.” Kris Jose