Digong sa mga senador: Malampaya deal ipaubaya sa biz sector

Digong sa mga senador: Malampaya deal ipaubaya sa biz sector

February 5, 2022 @ 9:14 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Kinastigo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang Senate resolution na nagrerekomenda na sampahan ng kaso si Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi at iba pang opisyal na may kinalaman sa di umano’y maanomalyang pag-apruba sa “sale of shares” sa Malampaya gas field.

Sa isang kalatas, nagpahayag ng matinding pag-aalala si Pangulong Duterte sa pag-adopt ng Senado sa resolusyon, : “undue, undeserved, and unwarranted aspersion” sa mga key DOE officials.

“The government values the critical role and contribution of the Malampaya Gas Field to energy security. I will not allow this valuable resource to be jeopardized and embroiled in the political antics of some members of the Senate,” ani Pangulong Duterte.

Binigyang diin ni Pangulong Duterte na nananatili ang kanyang “full trust and confidence” kay Cusi at nananatili ito bilang pinuno ng energy department.

Giit pa ng Pangulo, nananatiling protektado ang national interest at ang karapatan ng pamahalaan ay nananatiling intact sa gitna ng mga kaganapan na may kinalaman sa “share sale and purchase agreement.”

“I am calling on our legislators to ensure that our ability to compete is not jeopardized by political intrigues and innuendoes. Leave business transactions in the capable hands of the business sector. Let us respect their business decisions while we protect our national interests,” ayon kay Pangulong Duterte.

Sa ulat, pinagbibitiw ni Sen. Sherwin Gatchalian nitong Miyerkoles si Energy Secretary Alfonso Cusi at 11 iba pang opisyal ng Department of Energy (DOE) dahil sa umano’y mga anomalya sa kanilang ahensya.

Sa isang privilege speech, na may titulong “Lutong Macau na nga,” nanawagan din ang senador na sampahan ng mga reklamong kriminal at administratibo si Cusi at mga tauhan dahil daw sa katiwalian, gross neglect of duty at misconduct.

Bunga ito ng imbestigasyon ng Senate Committee on Energy kung saan lumitaw na minadali umano ng DOE ang pag-apruba sa pagbebenta ng 45 percent na shares ng Chevron sa kumpanyang UC Malampaya na subsidiary ng Udenna Corp. na aniya’y kapos sa financial capability.

“Ako ay nanawagan kay Secretary Cusi at kaniyang mga subordinates na magbitiw na sa puwesto sa lalong madaling panahon,” ani Gatchalian.

“Matapos ang lahat ng nangyari, hindi na kayo mapagkakatiwalaan pa ng sambayanang Pilipino dahil hindi kayo naging tapat sa pangangalaga ng kaisa-isang pinagkukunan ng bansa ng natural gas.”

Napag-alaman ng Senate Energy Committee na -$137.2 million o -P6.9 billion ang initial working capital nito.

Nang magsagawa rin aniya ang DOE ng financial evaluation, hindi ang UC Malampaya ang sinuri kundi ang UC 38 LLC, na sa Chevron Malampaya.

Tinukoy na $565 million o P40 billion ang halaga ng Chevron shares na ibinenta sa UC Malampaya.

Bukod dito, nagpabago-bago rin umano ang polisiya ni Cusi. Sinabi umano nito noong una na kailangang aprubahan ng DOE ang bentahan ng shares. Pero sa isang Senate hearing, sinabi niyang hindi na kailangan ang approval ng DOE.

Binigyang diin ni Gatchalian na mahalaga ang Malampaya dahil doon nanggagaling ang enerhiya na nagpapailaw sa 4.5 million na bahay sa Mega Manila.

“Ang batas ay batas. Ang sinumang lalabag dito ay dapat panagutin. Nananawagan ako sa mga awtoridad na agad na magsampa ng mga kasong administratibo at kriminal laban kay Secretary Alfonso Cusi na nag-apruba sa Chevron-UC Malampaya at ibang opisyal ng DOE na sumuri ng naturang kasunduan,” sabi ni Gatchalian.

Sa kabilang dako, sinabi ni Pangulong Duterte marapat lamang na igalang ang pagbebenta at pagbili ng stock ng Chevron Malampaya LLC ay private transaction sa pagitan ng private entities.

Aniya, kapwa ang foreign at local investments ay mahalaga sa ekonomiya ng bansa.

“We compete for them with other countries, and our ability to do so requires me to create and maintain an environment conducive to the entry of .”

Samantala, kinikilala naman ng Pangulo ang kapangyarihan ng Senado na magsagawa ng congressional probes “in aid of legislation,” dapat lamanganiya itong gawin “with prudence and circumspection, devoid of reckless accusations, and focused on improving existing laws”. Kris Jose