Digong sa pagpapalakas ng militar: I’ve done my best

Digong sa pagpapalakas ng militar: I’ve done my best

February 22, 2022 @ 9:11 AM 4 months ago


MANILA, Philippines – Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na masaya siya na naibigay niya ang kanyang pangako na doblehin ang sahod ng mga pulis at mga sundalo.

Para sa Pangulo, nakatulong ito at nakapag-ambag para mapabuti ang “fighting spirit” ng mga ito.

“At the start of my administration, I think it was in Jolo when I said that I will leave my office with a strong military. That’s what I promised and within our limited income dito sa gobyerno, setting aside the small but equitable portion of which sa military,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi.

“Naibigay ko naman siguro, especially in the upgrade of armaments, ‘yung mga bagong air assets, sa tubig, naval, and truly, as I ponder on the last paper work that I have to work on, nakikita ko ‘yung promotions ng mga sundalo . . . I am comfortable with the thought that I have done my best, lalo na ‘yung ipinangako sa military,” dagdag na pahayag nito.

Aniya, sa kanyang mga taon bilang Alkalde ng Davao City, napagtanto niya kung gaano kahalaga ang bumuo ng magandang ugnayan at samahan sa mga pulis at militar.

“It was not just a campaign slogan. It was something I concocted in the years as mayor, and you have to have rapport with the police and military for you to succeed. Ang success ko sa pagka-military ko, I attribute it to the military and police,” ayon sa Punong Ehekutibo.

“Let it be a policy that you care for people who die for you. So I made a promise that I will double your salary. So maligaya ako. In hindsight, malaking tulong sa fighting spirit ng mga sundalo, pati mga pulis,” lahad nito.

Taong 2018, nagsimula nang tumanggap ng mataas na sahod ang mga police officers, sundalo at iba pang uniformed personnel matapos na aprubahan ni Pangulong Duterte ang joint resolution ng Kongreso na naglalayong baguhin ang kanilang “base pay schedule.”

Nakasaad sa resolusyon na may pangangailangan na itaas ang kompensasyon ng military at iba pang uniformed personnel “to make it more commensurate with their critical role in maintaining national security and peace and order.”

Sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA) noong 2021, itinulak ni Pangulong Duterte ang mas mabuting benepisyo para sa mga pulis at military personnel kasabay ng muling panawagan sa Kongreso na magpasa ng batas para mapalaki ang perks ng mga pulis at militar.

Paulit-ulit namang ipinapangako ni Pangulong Duterte na poprotektahan niya ang mga police officers at sundalo sa harap ng madugong war on drugs sa gitna ng patong-patong na international criticism.

Samantala, inakusahan naman ang Chief Executive ng pagpabor sa mga pulis at military personnel, kung saaan ilan sa mga ito ay appointed sa ilang cabinet positions post-retirement. Kris Jose