Digong sa PNP: COVID quarantine hotels bantayan

Digong sa PNP: COVID quarantine hotels bantayan

January 5, 2022 @ 7:39 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Inatasan na ni ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga pulis na bantayan ang mga hotel na nagsisilbing quarantine facilities para sa mga umuuwing filipino kasunod ng insidente ng tinaguriang ‘Poblacion girl’ na si Gwyneth Chua na lumabas ng hotel kahit hindi pa tapos ang quarantine at nakapag-party pa kung saan kalaunan ay positibo pala ito sa COVID-19 at nahawahan ang mga nakasalamuha.

Sa kanyang Talk to the People, Martes ng gabi sinabi ng Pangulo na walang kapangyarihan ang mga hotel personnel para pigilan ang mga gustong lumabas ng quarantine kung kaya’t kinakailangang may nagbabantay na otoridad sa labas ng hotel.

“They cannot be physically stopped, they do not have authority or power. Ang makapaghinto sa kanila government personnel placed in there in hotel to work in the matter of placing people under quarantine,” ani Pangulong Duterte.

“It has to be a government personnel or employee. Ngayon, what I proposed for government to do who have yet to see this is Secretary Año… Sir, kaya mo maglagay ng pulis sa mga hotels na ginagamit ng quarantine ng gobyerno?” dagdag na pahayag ni Pangulong Duterte na ang tinutukoy ay si Interior Secretary Eduardo Año.

Ang atas din ng Pangulo ay dalawang pulis ang magsilbing bantay sa mga quarantine hotel.

Bilang tugon, sinabi naman ni Año na ipinag-utos na niya kay Philippine National Police Chief Police General Dionardo Carlos ang pagtatalaga ng mga pulis sa mga hotel.

Matatandaang nitong Lunes, inatasan na ni Año ang PNP na mag-deploy ng kanilang mga tauhan upang magbantay ng mga naka-quarantine.

Samantala, sinabi naman ni Justice Secretary Menardo Guevarra na may pananagutan ang mga hotel na nagsisilbing quarantine facilities sa ilalim ng Republic Act 11332 o ang Mandatory Reporting on Notifiable Diseases.

Humingi naman ang Pangulo ng expert opinion mula kay Justice Secretary Menardo Guevarra ukol sa “lack of authority” ng mga hotel employees para mapigilan ang quarantine absentees.

Ani Guevarra, tungkulin ng quarantine hotel personnel na tiyakin na ang mga tao ay sumusunod sa quarantine protocol sa ilalim ng ipinatutupad na rules and regulations ng R.A. 11332  o Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act.

“With all due respect, I can see something in existing law republic act 11332  or Mandatory of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act with its IRR, Mr. president, there is a provision there on non-cooperation as part of prohibited acts,” ang pahayag ni Guevarra kay Pangulong Duterte.

“It seems to me non-cooperation on the part of certain entities which are charged with duty to respond to pandemic may also be punishable. These entities may include establishments which are charged with a duty for example as a quarantine hotel to ensure people in the quarantine in an establishment should not be able to jump quarantine i think that could be used,” dagdag na pahayag nito.

Nabanggit naman ng Punong Ehekutibo na ang mga hotel employees ay walang “legal position” na pigilan ang isang tao na umalis ng quarantine.

“Itong hotel employees for owners for that matter they cannot be in any position legally in stopping a person in doing these things,” ani Pangulong Duterte.

“Wala kang delegation of authority. It will be a questionable issue ang mangyari ang pulis. I thank Secretary Año for moving forward,” dagdag na pahayag nito.

“Wala silang coercive power to stop pero they can report violation yung occupant,” ayon naman kay Guevarra.

Dahil dito, isinulong ni Pangulong Duterte ang kanyang direktiba na magtalaga ng pulis sa mga hotel para maiwasan at mapigilan ang quarantine absentee modus.

“That’s why police na lang so yung iba, I hope this is nationwide. This short discussion is really to make things very clear. Ang pulis na lang because I don’t think kapag pumilit talaga if they (quarantine violator) force their way of getting out magkakaroon ng ruckus. Lalo na itong mga babae makipagaway yan,”  lahad ng Pangulo. Kris Jose