Digong sa sunod na PNP chief: Siguruhing ‘di corrupt, kinatatakutan

Digong sa sunod na PNP chief: Siguruhing ‘di corrupt, kinatatakutan

May 10, 2022 @ 1:40 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kailangang matiyak ng susunod na liderato ng bansa na makapagtatalaga ito ng pinuno ng Philippine National Police (PNP) na hindi kurakot.

Ang pahayag ng Pangulo, kapag tiwali aniya kasi ang maipupuwesto sa itaas, siguradong hanggang sa ibaba ay magiging corrupt.

Sigurado aniya na magkakanya-kanya na ang mga ito para gumawa ng iligal na gawain at mangyayari aniya ito kung ang nasa itaas ay dawit din sa mga anomalya.

Sinabi pa ng Pangulo na mabuti na rin na may takot sa magiging hepe PNP ng susunod na administrasyon ang mga tauhan nito sa gitna ng ipatutupad nitong mga panuntunan na may kinalaman sa anti-criminality. Kris Jose