Digong wala munang ‘Talk to The People’

Digong wala munang ‘Talk to The People’

February 4, 2022 @ 3:02 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Wala munang maririnig ang publiko na Talk to the People (TTTP) ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ngayong linggo.

Sinabi ni acting Presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nogerales na malamang na sa darating na Lunes, Pebrero 7 na ang TTTP ng Chief Executive.

“Ah, iyong Talk to the People, abangan na lang po natin next week. Presumably, Monday naman po ang Talk to the People ni Pangulo. So, based on the schedule.. Monday naman po ang schedule ng Talk to the People ni Presidente,” lahad nito.

Ito’y sa kabila pa rin ani Nograles na tapos na ang mandatory quarantine si Pangulong Duterte matapos na magpositibo sa COVID-19 ang isa niyang kasambahay.

Tiniyak ni Nograles na okay naman na si Pangulong Duterte matapos ang kanyang routine medical check-up.

“He is as healthy as any healthy individual at his age,” punto ni Nograles.

Kahapon, sinabi ni Nograles na Enero 30 nang ma-expose sa COVID-19 positive case si Duterte.

Lumabas naman na negatibo sa virus ang pangulo sa RT-PCR test noong Enero 31.

Dagdag ni Nograles, sumailalim ulit si Duterte sa isa pang RT-PCR test noong Pebrero 1, at negatibo rin ang resulta.

Tiniyak naman ni Nograles sa publiko na maayos ang kalagayan ng pangulo at nagagampanan nito ang tungkulin.

“The Chief Executive continues to work while in quarantine, and is in constant communication with the members of the Cabinet in order to ensure that urgent matters are addressed, and to monitor the implementation of his directives, particularly with regard to the government’s COVID-19 response.”

Fully vaccinated si Pangulong Duterte at mayroon na rin siyang booster shot laban sa COVID-19. Kris Jose