Dilag sugatan sa atake ng Rottweiler sa Cebu



Dilag sugatan sa atake ng Rottweiler sa Cebu

June 10, 2021 @ 7:33 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Cebu City – Sugatan ang 16-anyos sa atake ng Rottweiler sa Oslob, Cebu noong Hunyo 8.

Kinilala ang biktima na si Jeny Rose Gomilao.

Ang Rottweiler ay ‘large breed dog.’

Ayon kay John Michael, nangyari ang insidente habang nangunguha ang kanyang kapatid ng shellfish sa Barangay Looc.

Batay sa may-ari ng aso, nakawala ito at nakatabo sa dalampasigan.

Dinala ang biktima sa ospital dahil sa natamong kalmot at kagat ng aso sa leeg, braso, tuod, likod, at kamay.

 “She was not given anti-rabies shots because she received one after she was bitten by a dog two months ago,” lahad ni John Michael.

Nagbigay naman ng P3,000 ang may-ari ng aso.

 “We want justice. We want an assurance that they will shoulder the expenses for the treatment of my sister.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •