Dilawan, puro kuwento  – Sec. Panelo

Dilawan, puro kuwento  – Sec. Panelo

July 20, 2018 @ 1:30 PM 5 years ago


Manila, Philippines – Puro kuwento lang ang mga dilawan sa pagsasabing wala pang nagagawa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa unang dalawang taon ng kanyang termino.

Ayon kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo Jr. naghahanap lang ang mga kalaban ng Pangulo lalo na ang mga dilawan ng maipipintas sa Chief Executive.

“Marami talagang nagawa ang Pangulo. Pero alam mo iyong mga nandiyan sa kabila, eh talagang naghahanap lang na mapipintasan si Presidente. Pero ang katotohanan niyan, lahat ng mga pinangako niya… ginawa na at ginagawa pa,” ani Sec. Panelo.

Aniya, marami pang dapat asahan ang sambayang filipino kay Pangulong Duterte at ito aniya ay ang mga naipangako noong siya ay nangampanya at unti-unting natutupad.

“Iyon lang sa infrastructure hindi ba… iyong sa Build, Build, Build. Eh dalawa ang naumpisahan na, marami iyan, magkakaroon tayo ng construction sa Pilipinas at sila maglalabasan iyang mga airport, bagong mga skyway, bagong… basta marami hindi ba. Mayroon pa tayong mga train na lalabas. Actually,problema ng bayan na tinutupad at ginagampanan ng President ang kanyang tungkulin,” aniya pa rin.

Malaki naman ang posibilidad na hindi na basahin pa ni Pangulong Duterte ang kanyang prepared SONA speech kapag ginanahan itong magsalita.

“Eh kasi si Presidente, kapag nagsasalita siya palaging extemporaneous hindi ba, na galing sa puso,” ayon sa Kalihim. (Kris Jose)