DILAWAN WALANG KABUSUGAN

DILAWAN WALANG KABUSUGAN

June 30, 2018 @ 5:58 PM 4 years ago


HALIMAW talaga itong mga nasa dating administrasyong panotsa, partikular na ang mga alipores sa Department of Health (DOH).

Biruin niyong naglaan ng mahigit P8 bilyong pondong pampubliko para magpagawa ng mga “barangay health stations (BHS),” kuno.

Ang nadiskubreng pandarambong ay isinagawa noong 2015 bago mag-2016 elections.

Ang BHS ay mistulang mga public toilets na hindi nagamit dahil wala namang available na medical staff para magserbisyo sa mga ‘yun.

At aanhin ang mga BHS na itinayo sa mga lugar na may maraming pampublikong pagamutan at barangay clinics, aber?

Iniimbestigahan pa ng pamunuan ni DOH Sec. Francisco Duque kung saan napunta ang mahigit P1 bilyon na unang inilabas ng opisyales ng dating administrasyon kabilang na si Janette Garin.

Siyempre, sabit na naman diyan ang dating-Pangulong Noynoy Aquino at bagman niyang si Butch Abad.

Silang tatlo rin ang nasa “starring roles” sa Dengvaxia P350 bilyon anomaly noon ding bago mag-2016 elections.

Dapat tanggalan ng maskara ang lahat ng sangkot sa BHS racket na ito at panagutin kasama ni Garin at dalawang panotsa na ‘yan.

Walang kabusugan ang mga buwayang ‘yan!

Mabuti na lang at humantong sa “dead end” ang pesteng Matuwid na Daan.

Napakahuhusay magmalinis ngunit mga ganid pala, pwe!!!

***

Matutunghayan ang inyong lingkod 10AM-11AM sa Radyo Pilipinas, 738AM band Lunes-Biyernes. Mapanonood din ang  programa sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Welcome po ang inyong mga reaksyon, opinyon at reklamo. Ipadala sa[email protected] o bisitahin nyo kami sa ERWIN TULFO CENTER For Media and Public Service, Room 303 Castro Bldg., #58 Timog Avenue, Quezon City (taas ng PSBank).