DILG: 1,100 ex-rebels nabahaginan ng gov’t assistance sa ilalim ng Marcos admin

DILG: 1,100 ex-rebels nabahaginan ng gov’t assistance sa ilalim ng Marcos admin

December 8, 2022 @ 2:52 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Halos 1,100 dating rebelde ang nakatanggap ng tulong mula sa pamahalaan mula nang pumasok ang Marcos administration noong Hulyo, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Huwebes.

Sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na committed ang pamahalaan sa pagtugon sa insurhensiya at pagtulong sa pagpapabuti ng buhay ng mga dating rebelde.

“Through the Enhanced Comprehensive Local Integration or E-CLIP, we have helped more than 1,100 FRs get back into the folds of society since July 1,” pahayag ni Abalos na binasa ni DILG Public Affairs and Communication Service director Marlo Guanzon sa isang press conference.

Nilalayon ng E-CLIP na tulungan ang mga rebelde na muling makabalik sa komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng financial at livelihood assistance.

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Lieutenant General Bartolome Bacarro nitong Nobyembre na 2,112 miyembro na lamang ang mayroon ang communist group na New People’s Army (NPA).

Bumaba na rin ang bilang ng mga armas ng mga rebelde sa halos 1,800.

Iginiit ni Bacarro na tinututukan ng militar ang aktibong guerrilla fronts sa halos 154 barangay sa bansa.

Mula sa kabuuang 89 guerilla fronts noong 2018, inihayag ni Bacarro na tinutugis na lamang ng AFP ang 24 na natitirang grupo. Sa bilang na ito, 19 ang humihina na at malapit nang mabuwag. RNT/SA