DILG: 28 arestado sa naitalang 245 vote buying incidents

DILG: 28 arestado sa naitalang 245 vote buying incidents

May 12, 2022 @ 1:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Naaresto ng mga awtoridad ang 28 indibidwal matapos makapagtala ng Department of the Interior and Local Government ng mahigit 200 vote buying incidents mula Enero 1 hanggang May 9.

“Dito naman po sa report ng vote buying mula po January 1 hanggang May 9, 2022, nakapagtala tayo ng 245 reported vote buying incident at mayroong 41 suspect,” ani Interior Secretary Eduardo Año.

“Patuloy pa rin tayong naghahanap ng mga ebidensya sa iba pang mga vote buying incident. Sa ngayon po ay 28 ang ating naaresto at 13 pa ang kasalukuyang pinaghahanap,” dagdag ni Año.

Sa 245 an naiulat na insidente, 25 ang naberipika na, dalawa ang iniimbestigahan pa, habang apat naman ang ini-refer sa prosecution office, at isang kaso ang inihain sa korte.

“Mare-report po natin, Mr. President, na sa mga permit to campaign na inilabas ng NPA ay wala tayong na-monitor na mga politician na pumatol dito, nagbigay ng pera o resources sa CPP-NPA,” ani Año.

Sinabi ng Armed Forces of the Philippines at ng Philippine National Police na “generally peaceful” ang Halalan 2022. RNT/SA