DILG: 30% capacity sa mga sementeryo papayagan sa Sept. 21-Oct. 28, Nov. 5-Nov. 15

DILG: 30% capacity sa mga sementeryo papayagan sa Sept. 21-Oct. 28, Nov. 5-Nov. 15

September 22, 2020 @ 5:53 PM 1 month ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na papayagan ang 30 percent capacity sa mga sementeryo ngunit mayroong mga itinakdang araw.

Tatakbo ito mula September 21 hanggang November 15 bilang paggunita sa Undas ngunit hindi kasali ang October 29 hanggang November 4 kung saan maaaring makabisita sa mga sementeryo.

“Nais ko lang pong ipaabot ang pasasalamat ng ating mga mayor at mga governor ng — unang-una na po ‘yung mga National Capital Region mayor natin at ‘yon pong League of Provinces of the Philippines, ang League of City Mayors, ang Liga ng Munisipalidad ng Pilipinas, Liga ng Barangay, at ang ULAP. Nagkaroon po kami ng pagpupulong ng ULAP noon pong September 18 (I would like to send the appreciation of the mayors and governors especially the mayors of the National Capital Region (NCR) and League of Provinces of the Philippines (LPP), League of City Mayors (LCM), Liga ng Munisipalidad ng Pilipinas (LMP), Liga ng Barangay and ULAP. We had a meeting with ULAP on September 18,’’ lahad ni Año.

Ipakakalat din ng DILG ang field marshals at health officers sa memorial parks at sementeryo para matiyak na masusunod ang quarantine protocols. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...