DILG chief nakiramay sa ‘fallen Bulacan rescuers’

DILG chief nakiramay sa ‘fallen Bulacan rescuers’

October 1, 2022 @ 3:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbigay ng kanyang paggalang at pagkilala si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. sa limang  rescuers mula Bulacan na namatay matapos manalasa si Super Typhoon Karding.

Personal na binisita ni Abalos ang lamay ng limang rescuers na sina Narciso Calayag, Jerson Resurreccion, Marvy Bartolome, George Agustin, at Troy Justin Agustin sa Bulacan Capitol Gym sa City of Malolos, Biyernes ng gabi.

Pinuri naman ni Abalos  ang kabayanihan ng tinaguriang fallen rescuers  ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) na lahat ay nasawi matapos na magsalba ng ibang buhay.

“The DILG is one with the Bulacan LGU (local government unit), headed by Bulacan Governor Daniel Fernando, and the entire nation in honoring them through a special tribute and recognizing what they have done: putting first and ensuring the safety of their kababayan  who were in dire need of help,” ayon kay Abalos.

Sa kabilang dako, pinarangalan at binigyan ng ‘snappy salute’ ng DILG ang limang bayaning rescuers na nagbuwis ng kanilang buhay habang nagsasagawa ng rescue mission sa San Miguel, Bulacan sa kasagsagan nang pana­nalasa ng Super Bagyong Karding noong Linggo ng gabi.

Nagpaabot si  Abalos  nang taos-pusong pakikiramay at mataimtim na panala­ngin para sa mga pamilya ng nasawing rescuers.

Matatandaang Linggo ng gabi ay nagsasagawa ng rescue operations ang mga biktima nang abutan sila ng flash flood at madaganan nang gumuhong pader sa Barangay Camias, San Miguel, Bulacan.

Sakay umano ang mga biktima ng isang rescue boat nang maganap ang insidente, matapos na masira ang kanilang truck habang patungo sa kanilang misyon.

Iniulat na nawawala ang mga biktima at nang hanapin ay nadiskubre na lamang ang kanilang mga labi sa Sitio Banga-Banga, Barangay Camias. Kris Jose