DILG: Deadline sa road clearing ops ng LGUs posibleng mabago

DILG: Deadline sa road clearing ops ng LGUs posibleng mabago

January 14, 2021 @ 7:41 PM 5 days ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Iginiit na posibleng magkaroon ng pagbabago sa deadline sa lahat ng local government unit na linisin ang mga nakahambalang sa mga kalsada at bangketa sa kanilang lugar, batay sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Sinabi ni DILG Undersecretary Jonathan Malaya na tinanong niya si Interior Secretary Eduardo Año kung maaari pang palawigin ang deadline para sa road clearing operation, lalo’t marami sa mga local government unit (LGU) ang pagod na dahil pa rin sa kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Nakatakda ang deadline nito sa darating na Enero 15.

“Tinatanong ko siya (Año) kung mapagbibigyan ba namin ang mga LGUs ng kaunting extension dahil napakalaki ng kanilang balakid at dami nilang kalsada na iki-clear,” paliwanag ni Malaya.

“Doon po sa MGCQ (modified general community quarantine), mas magiging mahigpit po ang validation ng DILG at ng aming mga attached agencies dahil doon, full blast na sila.”

“Dito sa Metro Manila, Davao, at mga lugar na nasa GCQ, nagbigay po tayo kaunting puwang sa ating mga LGU… kasi nga alam nating pagod na pagod na sila at marami silang kinakaharap sa panahon ng pandemya,” saad pa ng opisyal. RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...