DILG: Desisyon sa IATF mask mandate ipalalabas ngayong linggo

DILG: Desisyon sa IATF mask mandate ipalalabas ngayong linggo

September 6, 2022 @ 5:24 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Ilalabas na ng national government ang desisyon ukol sa mandatory mask mandate, matapos paluwagin ng Cebu City ang polisiya sa trial period.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalosnitong Martes na nakausap niya si Cebu City Mayor Michael Rama ukol sa implementasyon ng huli sa executive order, kung saan umiiral ang trial at observation period sa non-obligatory wearing ng face masks sa lungsod hanggang sa pagtatapos ng taon.

“If everyone will do as he (Rama) wishes, baka magkagulo naman tayo. What’s important is we have a process here,” sabi ni Abalos at iginiit na sumangguni na ito sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).

“We respect autonomy, of course. But we’ve got the national law, the local law which we try to harmonize right now. IATF is here,” sabi pa niya.

“Probably by the end of the week, we’ll come out with this decision kung ano na ito,” ani Abalos.

Ipinalabas ni Rama nitong Lunes ang Executive Order 6, na may probisyon sa naunang order, gaya ng rial period sa non-obligatory masking mula Setyembre 1 hanggang Disyembre 31, 2022, at awtomatikong pag-aalis sa polisiya sa kaso ng COVID-19 surge sa Cebu City.

Nauna niyang ipinalabas ang EO 5 na ginagawang boluntaryo ang outdoor wearing ng face mask, maging sa mga bukas na espasyo, at pagpayag sa mga establisimiyento na ang mga ito mismo ang magdesisyon kung kailangan pang magsuot ng mask sa areas of jurisdiction. Rekisitos pa rin ang mask sa mga ospital at diagnostic facilities.

Nilinaw naman ni Department of Health officer-in-charge Maria Rosario Vergeire nitong Lunes na hindi isinangguni sa ahensya ang panukala ng alkalde ng Cebu City.

Nauna na siyang nagbabala laban sa mas mataas na panganib ng impeksyon sa kapag hindi maayos na naipatupad ang COVID-19 protocols.

“Ilang taon na tayong nag-a-IATF and that has always been the process ever since. From the IATF, binababa natin ito at lahat sumusunod,” sabi naman ni Abalos.

Aniya, ilalabas umano ang desisyon matapos itong iprisenta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. RNT/SA