DILG exec sa ‘di bakunadong barangay captains: ‘Resign or take a leave’

DILG exec sa ‘di bakunadong barangay captains: ‘Resign or take a leave’

January 16, 2022 @ 3:36 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ng opisyal ng Department of the Interior and Local Government nitong Linggo ang barangay captains na hindi pa bakunado laban sa coronavirus disease (COVID-19) na mag-resign o mag-leave mula sa kanilang  posisyon.

Nagbabala si DILG Undersecretary for barangay affairs Martin Diñosa gitna ng utos na tukuyin ang mga residenteng hindi pa nababakunahan sa local government units.

“Kung talagang hindi pa bakunado, puwede naman kayo mag-resign o kaya magleave kayo hangga’t di tapos ang COVID-19. Nakakahiya kayo. Biro ninyo, kayo magpapatupad ng batas tapos kayo pala ‘di bakunado?” sabi ni Diño.

“Kahit kapitan ka, barangay ka, aarestuhin ka. Papaaresto ka ‘pagka halimbawa may ordinansa. Walang exemptions dito, walang exempted,” dagdag pa niya.

Inulit din ni Diño ang panawagan sa mga lokal na opisyal na magpabakuna laban sa COVID-19, upang magsilbing halimbawa sa mga residente.

“Kaya nga if ever may hindi bakunado  kung mayroong pang di pa bakunado ngayon. Kasi noon sabi ko magpabakuna kayo chairman tapos magpagawa kayo ng tarpaulin ipakita niyo roon habang binabakunahan kayo para kayo mag-set ng example sa barangay ninyo,” aniya.

Kamakailan ay nagpalabas ang DILG ng direktiba na nag-uutos sa local officials na magsumite ng listahan ng mga hindi pa bakunado, alinsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte. RNT/SA