DILG kay Teves: Magbalot-balot na

DILG kay Teves: Magbalot-balot na

October 7, 2022 @ 10:39 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Henry Teves na bakantehin ang posisyon ng pagka-gobernador ng Negros Oriental matapos mapawalang-bisa ng poll body ang kanyang pagkapanalo.

Sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. na naglabas na ng kautusan ang kanyang departamento na humihiling kay Teves na umalis sa puwesto.

Anang Interior chief ito ay kasunod ng panunumpa ni Roel Degamo bilang gobernador ng Negros Oriental sa harap ng Pangulo, kaya naman ang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) ay ikinokonsiderang “final and executory.”

Nag-ugat ang pangyayaring ito matapos maresolba ng Comelec ang petisyon laban sa isang nuisance candidate na nagngangalang Grego Gaudia, na gumamit ng pangalang “Ruel Degamo” sa mga balota.

Naghain ng petisyon ang bagong proklamadong gobernador para ilipat ang halos 50,000 boto na nakuha ng halos katawagan niya sa kanya, na inaprubahan ng poll body. RNT