DILG: LGUs, kandidato may 3 araw para magligpit ng campaign materials

DILG: LGUs, kandidato may 3 araw para magligpit ng campaign materials

May 11, 2022 @ 6:14 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Binigyan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng tatlong araw ang mga lokal na pamahalaan at mga kandidato na ligpitin ang mga campaign waste materials sa kani-kanilang mga lugar.

“Clean-up of election litter is the first order of business after the polls. Aside from incumbent LGU officials, we urge all candidates, winners and non-winners alike, to take it upon themselves to lead in the removal of their campaign materials,” saad ni DILG Secretary Eduardo Año.

Sa abiso, hinimok ng kalihim ang mga local chief executive na magpatupad ng tamang pagtatapon ng mga campaign materials alinsunod sa environmental laws, gayundin sa mga ordinansa at regulasyon laban sa illegal dumping, open burning at littering.

“Hinihimok din po natin ang ating mga kababayan na makiisa sa clean-up drive ng kanilang LGUs at barangay. We have done our part in exercising our right to vote. Let’s continue to participate in governance through our simple ways of cleaning up our neighborhood from election litter,” apela ni Ano.

Una rito, sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority na posibleng mas marami ang mahakot nilang basura ngayong halalan kumpara noong 2019 midterm elections. RNT/ JCM