DILG maglalabas ng memorandum sa pre-election campaign activities

DILG maglalabas ng memorandum sa pre-election campaign activities

December 15, 2021 @ 7:42 PM 9 months ago


Manila, Philippines – Maglalabas ng memorandum ang Department of the Interior and Local Government tungkol sa pre-election campaign activities, ayon kay spokesperson Undersecretary Jonathan Malaya.

Sa Laging Handa public briefing, tinanong si Malaya tungkol sa hindi nasusunod na  COVID-19 health protocols tulad ng social distancing sa mga aktibidad na isinasagawa ng 2022 election aspirants.

“Si Secretary Eduardo Año po ay maglalabas ng memorandum circular tungkol sa mga pre-election campaign activities at papaano makakuha ng permits para sa mga activities na ito.”

Nagbabala rin ito sa organizer na mananagot sila kung magsasagawa man ng gathering na walang kaukulang permit galing sa local government units. RNT/FGDC