DILG magsasampa ng kaso vs local official na kumanlong sa NPA rebels

DILG magsasampa ng kaso vs local official na kumanlong sa NPA rebels

December 30, 2020 @ 6:40 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Magsasampa ng kaso ang Department of the Interior and Local Government (DILG) laban sa Quezon Provincial Board Member na kumanlong sa dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Atimonan.

Sa pahayag, iginiit ni DILG Secretary Eduardo Año na dapat managot si Provincial Board Member Rhodora Tan ng 4th district ng Quezon sa pagkupkop kay Ruel Custodio at Ruben Istokado.

“Paano maipapaliwanag na sa bahay niya mismo nasakote ang mga NPA? Hindi tama na kanlungin at proteksyunan ang mga kaaway ng bayan na matagal nang nagpapahirap sa mga mamamayan.  Mas mabigat ang asunto rito kapag ikaw ay isang public official,” punto ni Año.

“Imbis na kayo ang manguna sa pagsuplong sa mga teroristang ito, kayo pa mismo ang kumakanlong sa kanila. Nasaan ba talaga ang loyalty ninyo—para sa bayan at sa demokrasya o para sa mga terorista at komunismo?”

Base pa sa DILG, si Custodio ay pinaniniwalaang finance officer ng Sub-Regional Military Area-4 ng Southern Tagalog Regional Party Committee habang si Istokado ay political instructor ng L1, KP1 ng Bicol Regional Party Committee of the CPP-NPA.

“Pwede rin siyang kasuhan as an accomplice or accessory to the crimes committed by the NPA members kapag napatunayan na involved siya or may effort on her part to protect them,” paliwanag ni Año.

“Doble kara ang ilan sa ating mga local official. Huwag kayong magkubli sa posisyon ninyo sa gobyerno dahil ang tunay na kulay ninyo pala ay pula.  Wala kayong karapatang manatili sa pamahalaan.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...