DILG nagbabala sa Aklan, Malay LGUs vs pag-apaw ng mga turista sa Boracay

DILG nagbabala sa Aklan, Malay LGUs vs pag-apaw ng mga turista sa Boracay

April 21, 2022 @ 7:12 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Ipatatawag na ang mga lokal na pamahalaan ng Aklan at Malay kapag muling hindi nasunod ang arawang maximum capacity sa Boracay, ayon kay Interior Secretary Eduardo Año nitong Huwebes.

Pumalo sa mahigit 20,000 noong Huwebes at Biyernes Santo ang bumisita sa isla, na mas malaki kumpara sa itinakdang limit na 19,215 bago pa magka-pandemya noong 2018 upang mapanatili ang ecological balance.

“We cannot go back to square one especially now that we are still in the middle of a pandemic,” sabi ni Año.

“Our efforts to rehabilitate and reverse the ecological degradation of the island will all be futile if we become negligent in complying with the guidelines set by the National Government,” dagdag niya.

Umalma si Año kay acting Malay Mayor Frolibar Bautista sa pagturing sa pagdagsa ng turista bilang normal.

“Hindi ito normal. Ito ay paglabag sa umiiral na polisiya,” giit ni Año.

“Noong 2018 pa lamang at wala pang pandemya, itinakda na natin kung ano ang kapasidad ng Boracay, kung gaano karami lamang ang pwedeng tanggapin na turista ng isla,” patuloy pa niya.

“We must draw the line to ensure that our policies are being complied with on the ground. Kung kailangang mag-issue ng SCO para sa mga paglabag ay iyan po ang gagawin ng aming Kagawaran,” aniya. RNT/SA