DILG nagbabala vs paggamit ng pekeng COVID vax card

DILG nagbabala vs paggamit ng pekeng COVID vax card

December 5, 2021 @ 4:24 PM 10 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko sa mga indibidwal na gumagamit ng pekeng coronavirus disease (COVID-19) vaccination cards, na umano’y maaaring makulong at magmulta.

Ito ang pahayag ni DILG Region 10 Director Arnel Agabe matapos makatanggap ng kanyang opisina ng ulat sa isang residente mula sa Cagayan de Oro City na hinuli ng mga pulis sa pagbebenta ng pekeng vaccination cards. 

“Atong pahimandosaatongkatawhanngaayawninyo peke-a ang inyongmga vax cards kay kamopwede ma-priso (We remind the public to avoid faking your vax cards to avoid imprisonment),” ani Agabe.

Sa ilalim ng Revised Penal Code at Republic Act 11332 o kilala bilang “the Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Law’’, sinumang mahuling namemeke, o gumagamit ng pekeng vaccination cards ay maaaring humarap sa pagmumulta ng P20,000 hanggang P50,000 o pagkakakulong mula isa hanggang anim na buwan, o pareho.

Iginiit ng DILG na “public officers and employees or licensed professionals committing such criminal acts, will be meted a higher penalty and an administrative case shall be filed with the Civil Service Commission (CSC) or Professional Regulation Commission (PRC) for the revocation or suspension of their license or eligibility.’’ RNT/SA