DILG nagbabala vs pekeng memo sa sabong

DILG nagbabala vs pekeng memo sa sabong

October 15, 2022 @ 10:15 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ukol sa kumakalat na “unnumbered and unsigned” memorandum circular ukol sa alituntunin sa modernisasyon ng sabong sa Pilipinas.

Nilinaw ng DILG nitong Biyernes na ang dokumento “was not prepared, released or issued by this department.”

“As it is not an official document, it is fake, thus bears no force and effect,” giit nito.

Dagdag pa ng DILG: “The public is advised to be wary of these spurious documents and to trust only official sources.”

Binigyang-diin ng departamento na ang pinakabago nitong direktiba sa operasyon ng sabungan ay ang DILG Memorandum Circular No. 2022-003 na may petsang Enero 19, 2022, na pumapayag sa operasyon ng cockpits at traditional cockfighting sa mga lugar sa ilalim ng alert level 2 o mas mababa, alinsunod sa kautusan ng concerned local governments at mahigpit na pagsunod sa health protocols.

Tanging technology-based platforms at cashless betting ang awtorisado upang maiwasan ang pisikal na palitan ng pera sa sabungan. RNT/SA