DILG: “No CCTV, No Business permit” policy ipatupad ng LGUs

DILG: “No CCTV, No Business permit” policy ipatupad ng LGUs

May 23, 2022 @ 5:20 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Hinimok ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang mga local government unit (LGUs)  sa bansa na magpasa ng mga ordinansa hinggil sa pagpapatupad ng “No CCTV, no business permit” policy.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, Chairperson ng National Peace and Order Council, ngayong bumabalik na ang mga mamamayan sa kanilang pre-pandemic ways, dapat na maging prayoridad ng mga LGU ang kaligtasan ng publiko.

Magiging malaking tulong aniya sa pagtiyak ng public safety, kung gagawing requirement ng mga lungsod at munisipalidad ang paglalagay ng mga closed-circuit television (CCTV) systems, sa pagkuha ng business permits ng mga establisimyento na mayroong malaking bilang ng mga kostumer, at yaong mga risk o hazard-prone.

“CCTVs are applicable technologies that should be utilized to keep criminal activities and their perpetrators at bay. Ngayon ang tamang panahon para i-require ang mga negosyo na mag-install ng CCTV.  People are going out of their homes and in various establishments nowadays due to lower COVID-19 cases and a CCTV system is a powerful tool that can aid LGUs in ensuring public safety,  deterring crimes, and identifying and apprehending culprits,” saad ni Año.

“Kailangang pangunahan ito ng LGU partikular ng kanilang Sanggunian sapagkat malaki ang ambag nito [CCTVs] sa laban natin kontra kriminalidad,” dagdag pa ng kalihim

Sa pamamagitan ng DILG Memorandum Circular (MC) No. 2022-060, sinabi ni Año na kabilang sa mga establisimyento na dapat na mayroong CCTVs ay yaong mga financial establishments gaya ng mga bangko, pawnshops, money lenders, at money remittance services at mga kahalintulad nito; mga business establishments na maraming sangay; shopping malls, shopping centers, supermarkets, wet markets; at, medical facilities, klinika at laboratory.

Kasama rin ang mga lugar na  entertainment gaya ng mga theaters, movie houses, perya, internet cafes, arcades at iba pang lugar na nakahihikayat ng maraming kostumer; airports, public transportation terminals, parking lots at mga kahalintulad na establisimyento na pinupuntahan ng maraming sasakyan, gaya ng car dealerships, gasoline stations, vehicle maintenance/service stations; at iba pang kahalintulad na establisimyento na maaaring mangailangan ng CCTV cameras.

Malaki  aniya ang tulong ang mga CCTV footages sa pagresolba sa mga krimen, na napatunayan ito noong mga nakalipas na panahon. Jan Sinocruz