DILG sa LGU: ‘Wag gumamit ng mamahaling tsikot

DILG sa LGU: ‘Wag gumamit ng mamahaling tsikot

September 14, 2022 @ 12:34 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Nagpaalala ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan na mahigpit na ipinagbabawal umano ang pagbili o paggamit ng luxury vehicles sa kanilang mga operasyon.

Sa isang statement ngayong araw, Setyembre 14, sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. sa mga LGU officials na panatilihin ang pag-iingat sa kilos at tiyakin na nakasusunod sa budgetary procurement at auditing laws.

“Manatili po tayong matipid sa pagpili ng sasakyan lalo na’t hindi pa tayo nakakabangon sa masasamang epekto sa ekonomiya ng pandemya ng COVID-19,” ani Abalos.

“Dapat po tayong maging halimbawa sa ating mga nasasakupan sa masinop na paggamit ng pondo ng bayan,” dagdag pa niya.

Dagdag pa ni Abalos, sa halip na mamahaling sasakyan ay dapat ikunsidera na ang bibilhing service vehicle ay mura, matipid sa gasolina, environment friendly at matibay pa. RNT/JGC