DILG sa LGUs: 1.4M VaxCertPH backlog, resolbahin

DILG sa LGUs: 1.4M VaxCertPH backlog, resolbahin

October 20, 2022 @ 4:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin C. Abalos Jr. ang local government units (LGUs) na kaagad na tugunan at resolbahin ang  1.4 million backlog sa registration ng vaccination records sa Vaccination Information Management System (VIMS) na kailangan para sa pagpapalabas ng VaxCertPH.

Ang VaxCertPH  ay  official digital vaccination certificate program ng gobyerno , base sa centralized data sa  VIMS.

“This has long been an issue in our LGUs as we try to improve the inventory of Filipino citizens who have registered for VaxCertPH. We implore our LGUs to work double time in addressing their backlogs in the VIMS,” ayon kay Abalos sa isang kalatas.

Sinabi nito na ang VIMS ay may total backlog na  1,460,582 vaccination records “as of September 22” –  may kabuuang 334,317 ay bunsod ng  nawawalang  records; 308,386 naman ay hindi  recorded bunsod ng kakulangan sa  manpower; 243,300  naman ay dahil sa late submission; 122,897 naman ay  incomplete data; 109,806 ay mayroong missing data fields; 94,575 ay mayroong  operational at procedural issues; at 75,831 naman ay may isyu ng Internet connections.

“Tuloy tuloy po ang ating kampanya sa pagpapabakuna kaya kailangang maitala na po ang vaccine records ng ating mga mamamayan upang hindi ito tumambak pa,” ani Abalos.

Binigyang diin naman ng Kalihim ang kahalagahan para sa  LGUs na tiyakin na ang  digital records  ng kanilang  vaccinated constituents ay updated,  lalo na dahil sa ang VaxCertPH ay kabilang sa  “most widely recognized vaccination certificates globally, ” na tinanggap sa 94 na bansa at teritoryo.

Ang VaxCertPH ay kabilang sa kakaunting vaccination certificates  na sumusunod sa international standards, kabilang na ang World Health Organization’s (WHO) guidelines ukol sa  digital documentation ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) certificates, Digital Infrastructure for Verifiable Open Credentialing, at European Union Digital Covid-19 Certificate standards.

Kaya nga, ang VaxCertPH  ay tanggap ng mga  top trading, investment, tourism, at Filipino migrant destinations, at partner countries ng Pilipinas.

Sa isang  urgent memorandum na nauna nang ipinalabas, pinaalalahanan ni  Abalos  ang lahat ng  local chief executives at LGU VaxCertPH focal persons na ang records ng lahat ng vaccinated individuals ay dapat na  “accurately uploaded” sa  VIMS  sa kaparehong araw o sa loob ng  24 hours  nang mabakunahan ang isang indibiduwal.

Gayundin, inatasan ang LGUs na magigay ng “capacity building at technical support” at kaagad na i-coordinate ang concerns  hinggil sa  VaxCertPH project sa kanilang counterparts sa  Department of Health at Department of Information and Communications Technology  sa mga rehiyon.

Magtalaga  ng “human at financial resources” para sa pag-encode  ng  line-list data,  rectification of records, at pag-set-up ng  VaxCertPH booths sa strategic places sa LGUs.

Samantala, inatasan din ni Abalos ang lahat ng concerned DILG officials at personnel na mahigpit na makipag-ugnayan sa kani-kanilang LGUs  para tugunan ang mga  concerns  at makapag-provide ng kinakailangang suporta para sa maayos at episyenteng implementasyon ng  programa.

“Tulungan po natin ang ating mga LGUs na ma-address ang causes ng backlog para sa mabilis at maayos na implementasyon ng programang ito,” aniya pa rin. Kris Jose