DILG sa LGUs: Anti-dengue campaign, ikasa

DILG sa LGUs: Anti-dengue campaign, ikasa

September 7, 2022 @ 3:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinayuhan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang  local government units (LGUs) na buhayin ang kanilang  barangay inter-agency campaign laban sa dengue bunsod na rin ng pagtaas ng kaso nito.

Sa isang kalatas, sinabi ni  DILG Secretary Benhur Abalos na ang Aksyon Barangay Kontra Dengue (ABKD) ay itinatag simula pa noong 2012 at nakatulong para maiwasan ang insidente ng  pagkakaroon ng dengue.

“Dengue remains to be a public health threat and with the escalating cases in the country today, LGUs must take a proactive stance and implement strategies to protect our people in the communities from this deadly disease,” aniya pa rin.

“Barangay captains are tasked to lead clean-up drives and mobilize volunteers, residents, and barangay health teams such as the Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) and barangay health workers,” ang pahayag ng DILG.

Inaasahan naman na imo-monitor ng mga Alkalde ang health situation sa kanilang lugar, magbigay ng  dengue data sa mga ahensiya at tiyakin na ang pasyente ay mabibigyan ng  medical attention.

Dahil dito, hinikayat ni Abalos ang publiko na i-exercise ang  ‘Enhanced 4S’  o ang “search and destroy breeding sites, seek early consultation, self-protection, and say ‘yes’ to fogging only in hotspot areas where an increase is registered for two consecutive weeks.” Kris Jose