DILG sa LGUs: Magtalaga ng kinatawan sa drug raids

DILG sa LGUs: Magtalaga ng kinatawan sa drug raids

July 23, 2022 @ 2:45 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Hinikayat ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. ang local government units (LGUs) na magtalaga ng kinatawan na magsisilbing mandatory witness sa mga raids o pagsalakay laban sa illegal drugs.

Sinabi ni Abalos, may ilang drug-related cases ang nadismis dahil wala ang presensiya ng testigo sa inventory ng nabawi o nasamsam na illegal na droga o hindi nagpakita sa court hearings.

“In Mandaluyong City, when my wife was the mayor, she assigned a lawyer that is solely tasked as witness and back police anti-narcotics operations to satisfy the requirement of the law,”ayon Kay Abalos.

Nauna rito, nakipagkita si Abalos sa local government operations officers sa rehiyon upang ipaabot ang rekumendasyon sa mga alkalde.

Sa ngayon, ang “most common witnesses” sa mga drug raids ay police officers, village officials, at mga mamamahayag.

“Republic Act 10640 requires the presence of these witnesses primarily to establish the chain of custody and remove any suspicion of switching, planting, or contamination of evidence,” ayon sa ulat

Samantala, nakikipagtulungan naman si Abalos kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla para tapikin ang mga LGUs na magtalaga ng city o municipality representative na sasamahan ng police anti-narcotics units sa panahon ng operasyon. Kris Jose