DILG sa LGUs: Mga ‘di bakunado kumbinsihing magpaturok vs COVID

DILG sa LGUs: Mga ‘di bakunado kumbinsihing magpaturok vs COVID

January 19, 2022 @ 2:47 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang local government units (LGU) na maging maparaan sa pakikipag-usap at panghihikayat sa mga masisita sa checkpoint na hindi pa bakunado laban sa COVID-19.

Sa ulat, pinapurihan ni Interior Secretary Eduardo Año ang Taguig LGU sa ilalim ni Mayor Lino Cayetano sa pagkumbinsi sa mga hindi pa bakunadong indibidwal na nasisita sa checkpoint.

 “This is a best practice that should be adopted by other LGUs. LGUs may still craft other initiatives and ideas to encourage people to get vaccinated,” lahad ni Año.

Pabor din aniya siya sa proposal na dalhin ang mga hindi bakunado sa vaccination sites.

“Taguig City has been doing that on the first day of implementation of restricting unvaccinated persons to their homes. They caught 400 persons at their checkpoints. They were brought to the vaccination site and they agreed to get vaccinated,” dagdag pa ni Año.

Samantala, sinabi ni Año na negatibo na siya sa COVID base sa resulta ng kanyang reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test noong Lunes ng gabi.

“I will complete my exact day of isolation before going out, just to be safe.” RNT/FGDC