DILG sa LGUs: Paghigpitan ang mga ‘di pa bakunado

DILG sa LGUs: Paghigpitan ang mga ‘di pa bakunado

January 21, 2022 @ 10:24 AM 7 months ago


Manila, Philippines – Hinikayat ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang lahat ng local government units (LGUs) sa iba pang bahagi ng bansa na gayahin ang ipinapatupad na polisiya ng National Capital Region (NCR) sa mga hindi bakunadong indibidwal.

Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, suportado niya ang panawagan ng League of Provinces of the Philippines (LPP) at  regional pandemic task forces na magpatupad ang iba pang LGUs ng katulad na polisiya.

“Let us all move in one pace so that we can collectively surmount the threat of Omicron.”

Maaalalang Cavite ang unang probinsya na nagpatupad ng restriction ordinance na hindi pasasakayin sa mga pampublikong transportasyon ang mga hindi pa bakunado pwera na lamang kung bibili sila ng pangunahing pangangailangan. RNT/FGDC