DILG sa LGUs: Tumulong sa pagpapaigting ng SIM card registration info drive

DILG sa LGUs: Tumulong sa pagpapaigting ng SIM card registration info drive

December 19, 2022 @ 4:26 PM 1 month ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa local government units (LGUs) na tulungan ang national government sa information campaign nito kaugnay sa implementasyon ng Republic Act 11934 o Subscriber Identity Module (SIM) Registration Act, naging epektibo noong Disyembre 27.

Nilagdaan na ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. ang SIM Card Registration Act na naglalayong obligahin ang lahat ng SIM card users sa buong bansa na iregister o iparehistro ang kanilang SIM sa mga public telecommunications entities (PTEs).

Sa isang kalatas. sinabi ni DILG Secretary Benjamin Abalos Jr. na kailangang madala ang intensive information drive sa grassroots level at ang LGUs ani Abalos ay kailangan na paigtingin ang pagtuturo sa publiko ukol sa requirements at kahalagahan ng batas.

“As we seek to ensure public safety even in the online space, I encourage LGUs to exert all efforts to promote responsible use of SIM cards, educate their stakeholders on the benefits of mandatory SIM card registration and guide them through the whole registration process,” ani Abalos.

Sinabi pa ni Abalos na ang SIM Registration Act ay makatutulong sa Philippine National Police at iba pang law enforcement authorities na masawata ang tumataas na electronic communication-aided criminal activities sa bansa gaya ng mobile phishing, spam text messages, online scams, bank frauds at identity theft.

Wika pa ni Abalos, ang implementasyon ng batas ay hindi lamang para panagutin ang lahat ng panig maging ito man ay mobile users, telcos, gobyerno at awtoridad kundi tulungan ang PNP na kaagad na mahanap ang offenders o nagkasala sa krimen na nagawa ng isang “anonymity” sa pamamagitan ng paggamit ng electronic devices.

Nakasaad sa Seksyon 4 ng implementing rules and regulations (IRR) na ipinalabas ng National Telecommunications Commission (NTC) na ang DILG, kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan gaya ng DICT, NTC, DepEd, at telecom companies, ay dapat na “facilitate all SIM registrations in remote areas with limited telecommunication or internet access.”

“Together with the LGUs, DILG will cooperate with DICT and the NCT to fast-track the establishment of registration facilities in geographically-isolated areas, which should be done within 60 days after December 27,” ayon kay Abalos.

Sa kabilang dako, humingi naman ng tulong ang DILG sa local chief executives (LCEs) at barangay captains sa mga remote areas para sa pagpoproseso sa kinakailangan na dokumento at iba pang requirements para magtatag ng registration centers.

“We know not everyone has access to the internet and other means of communication so let us reach out to them and inform them of this new law,” ayon sa Kalihim.

“To register, all existing SIM subscribers must submit an accomplished form through a database platform or website provided by the telco company within 180 days. The DICT can extend the registration period for another 120 days. If a subscriber fails to register, SIM cards will be deactivated,” ayon sa ulat.

“Subscribers must provide the following: full name, birthday, sex, address, mobile SIM number and serial number and valid identification cards (for individuals); business name, business address and full name of authorized signatory (for businesses and other juridical entities); full name, nationality, birthday, passport, proof of Philippine address, return ticket to own country (for foreigners and tourists),” ayon pa rin sa ulat.

Hinikayat naman ni Abalos ang mga magulang at guardians na maging responsable at i -register ang SIM na ginagamit ng kanilang mga menor de edad o batang anak o kamag-anak sa ilalim ng kanilang pangalan para protektahan mula sa mga ill-intentioned individuals.

Kailangan lamang na makapagpakita ang mga ito ng ID at consent form.

“To our parents and guardians, let us help each other in this endeavor to safeguard minors. Magtulungan po tayo upang masiguro na hindi sila mabibiktima ng mga panloloko online,” ayon Kay Abalos.

Gayundin, hiniling ni Abalos sa publiko na suportahan ang mandatory SIM card registration dahil ang mga ito rin naman ang makikinabang sa pagtagal ng panahon.

“I encourage every Filipino to register their SIM cards and be one with the government in fighting text and online scams which are becoming more prevalent in recent years,” ayon kay Abalos.

Binalaan naman ni Abalos ang mga taong nagtatangka na magbigay ng false o fictitious information at dokumento sa pagrehistro ng SIM at iyong mga magtatangka na i- spoof ang registered SIM para makapanloko o makapagdulot ng panganib.

“Registering a SIM card with false or fictitious information or using fictitious identities will be subject to a penalty of imprisonment of six months to two years and a fine of PHP100,000 to PHP300,000 while spoofing will be subject to six years of jail time or/and a fine of PHP200,000,” ayon sa batas. Kris Jose