DILG sa PNP, LGUs: Health protocols mahigpit na ipatupad bago pa mag-campaign period

DILG sa PNP, LGUs: Health protocols mahigpit na ipatupad bago pa mag-campaign period

January 27, 2022 @ 6:23 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Inatasan na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Philippine National Police (PNP) at local government units (LGUs) na mahgipit na ipatupad ang health protocols upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 bago pa ang araw ng pangangampanya.

Giit ni DILG Secretary Eduardo Año sa PNP at LGU officials, siguruhin ang pagpapatupad ng minimum public health standards (MPHS) na nakadepende sa alert level sa in-person campaigns, rallies, caucuses, meetings at conventions, motorcades at caravans, at maging sa miting de avance.

“Sisiguraduhin po nating tumutupad ang mga LGU sa Comelec Resolution 10732 bilang pagtitiyak na magiging ligtas ang ating mga kababayan sa panahon ng kampanya. We are facing a much transmissible variant kaya naman hindi tayo dapat magpabaya maging ngayong panahon ng halalan,” lahad ni Año.

 “Una pa din ang kalusugan at kaligtasan ng ating mga kababayan kaya mariing ipinapaalala ng DILG ang pagsunod ng LGUs at PNP sa mga panuntunan ng Comelec.”

Nakatakdang magsimula ang campaign period para sa mga tatakbo sa national post sa Pebrero 9 habang sa Marso 9 naman para sa mga lokal na opisyal. RNT/FGDC