DILG sa police officials na ayaw mag-resign: ‘We will not take it against them’

DILG sa police officials na ayaw mag-resign: ‘We will not take it against them’

January 24, 2023 @ 7:00 PM 3 days ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Martes na hindi parurusahan ang police generals at colonels na ayaw magsumite ng courtesy resignation.

“It is only an appeal. Hindi ko po ino-orderan; hindi ko pinupuwersa,” ani DILG Secretary Benhur Abalos, kung saan tinutukoy ang panawagan niya nitong buwan sa 900 police generals at colonels na magbitiw sa pwesto bilang bahagi ng pagsisikap na linisin ang kanilang hanay sa pagkakadawit sa iligal na droga.

“Walang sanctions, walang measures na gagawin laban sa kanila. We will not take it against them,” dagdag niya.

Sa natitirang 11 police officers na hindi pa nagbibitiw sa pwesto, sinabi ni Abalos na walo ang magreretiro na, kung kaya’t “understandable” umano ang kanilang sitwasyon.

Itinakda ang deadline para sa courtesy resignations ng senior officials ng Philippine National Police (PNP) sa Jan. 31.

“The sooner we get through with this, the better,” pahayag ni Abalos.

“Dalawang review ‘yan just to make sure na walang inosente ang matatanggal,” aniya pa.

Tiniyak naman ng DILG na magiging “very credible and fair” ang imbestigasyon sa layunin nitong linisin ang Philippine National Police. RNT/SA