DILG sa telcos: Permit sa cell tower makukuha sa loob ng isang buwan

DILG sa telcos: Permit sa cell tower makukuha sa loob ng isang buwan

August 1, 2020 @ 3:49 PM 4 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Maaari nang makuha ng telecommunications companies ang kanilang mga permit na makapagtayo ng cellular towers sa loob lamang ng isang buwan, ayon sa Department of the Interior and Local Government.

Sa pahayag, sinabi ng ahensya na hindi na ito aabutin ng anim hanggang pitong buwan.

“Dati po inaabot ng 200 days yung pag-apply ng permit. Dito po sa bagong JMC namin kasama ang lahat ng ahensya at mga local government units (LGUs), sabay-sabay na ang pag-process, makukuha po lahat ng permit in less than a month,” ani Interior Secretary Eduardo Año.

“Dati po kailangan ng home owners association resolution, kailangan pa ng sangguniang bayan resolution, ngayon, wala na po ‘yan. Di na po ‘yan kailangan. Lahat po ng steps na nagpapabagal sa proseso ay inalis na natin,” dagdag pa nito.

Umaasa ang opisyal na mapagaganda na ng telecommunications companies ang kanilang serbisyo sa pamamagitan nito.

“I hope they take this golden opportunity to further improve their service to the public,” aniya.

“Sinisigurado po namin na ang mga LGU at ang mga ahensiya ay susunod mga pamantayan na mas mabilis na pag-proseso ng licences, permits at saka clearances.” RNT/FGDC


  •  
  •  
  •  

Loading...