DILG, umapela sa mga may kayang Pinoy na ipaubaya na sa mga mahihirap ang ayuda mula pamahalaan

DILG, umapela sa mga may kayang Pinoy na ipaubaya na sa mga mahihirap ang ayuda mula pamahalaan

March 26, 2020 @ 10:18 AM 6 months ago

  •  
  •  
  •  

Manila, Philippines – Nanawagan ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga nakaka-angat sa buhay na kung maaari ay ipaubaya na lang sa mga mahihirap at huwag na munang makihati sa ayudang ibinibigay ng pamahalaan.

Nakarating kasi kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya na marami pa rin ang hindi nahahatiran ng tulong mula sa pamahalaan.

Kaya ang pakiusap ni Usec. Malaya sa mga may maganda namang buhay at nakatira sa mga subdivision, ay huwag nang maghintay ng tulong sa gobyerno gayung ang mga tinaguriang isang kahig, isang tuka o ang mga mahihirap nating mga kababayan ang talagang prayoridad nilang mahatiran ng ayuda.

Tiniyak naman ni Usec. Malaya sa mga government employee na tuloy ang suweldong mga ito kahit sila’y naka work from home.

Limitado ang pondo ng gobyerno sabi ni Usec. Malaya kaya dapat na maisa- prayoridad unang una ang tulong sa mga taga- TODA at sa mga manggagawang ang inaasahan lang ay ang arawang suweldo. Kris Jose


  •  
  •  
  •  

Loading...